Hustiya para sa mag-inang pinatay ng pulis sa Tarlac, pinasisiguro ni Velasco
Kinondena ni Speaker Lord Allan Velasco ang pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
Ayon kay Velasco, dapat maparusahan si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa pagpatay kina Sonya at Anton Gregorio.
Nararapat aniyang maimbestigahang mabuti ang insidente at matiyak ang hustisya para sa mga biktima.
Kasabay nito’y sinabi ni Velasco na dapat paalalahanan ng liderato ng Philippine National Police ang hanay nito sa wasto at responsableng paggamit ng baril.
Base sa paunang imbestigasyon, nag-ugat ang pamamaril dahil sa pagpapaputok ng boga.
Pumunta umano ang suspek sa bahay ng mga biktima para sitahin ang nagpapaputok hanggang sa magkasagutan na humantong sa pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.