Dating Mr. Gay World nakaligtas sa COVID; may 'Noche Buena' pasabog sa YouTube | Bandera

Dating Mr. Gay World nakaligtas sa COVID; may ‘Noche Buena’ pasabog sa YouTube

Ervin Santiago - December 21, 2020 - 12:44 PM

WINNER na winner ngayon bilang YouTuber ang kilalang businessman, former Mr. Gay World at quarantine online philantropist na si Wilbert Tolentino.

Isa ngayon sa itinuturing na fastest rising vlogger si Wilbert (Wilbert Tolentino VLOGS). Wala pa kasing dalawang buwan ay umabot na sa 283,000 ang kanyang subscribers.

Isa na itong malaking achievement sa kanya bilang baguhan sa nasabing entertainment streaming app. Enjoy at nakakawala ng stress ang pagiging abala ni Sir Wil sa kanyang YouTube channel.

“Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” pahayag niya.

“Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng bagyo at kalamidad. Ganoon din sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,” aniya pa.

Kumusta naman ang experience niya bilang vlogger? “Hindi nagkakalayo ito bilang isang co-owner ng tatlo kong entertainment bar (Apollo, Club 690, Farenheit). Dapat maglabas ng kakaibang content.

“Ang mga magagandang komento na nababasa ko ay nagsisilbing inspirasyon para gumawa pa ako ng marami pang content. Para mabigyan ko ng kasiyahan at libangan ang mga tao,” lahad pa niya.

“Ang adbokasiya ko sa paggawa ng vlog ay para lumawak ang aking network at bumuo ng isang malaking convention para sa mga sikat na influencer sa iba’t ibang social media tulad ng Instagram, Twitter, Youtube, Lyka, Facebook. Para tulungan ang mga negosyanteng naapektuhan sa pandemya,” dagdag pa ni Wilbert.

May malaki rin siyang pasabog na event kapag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na, “Magkakaroon ako ng The Philippines Influencer Awards 2021. Ito ay para ma-cater natin ang mga press, media at mga vloggers kasama ang mga negosyante na naghahanap ng influencers para sa kanilang negosyo.”

Gumawa rin siya ng music video na “Kafreshness ng Pasko” na nagsisilbing inspirasyon at ligaya ngayong pandemya.

Nagkaroon din ng pagkakaisa at sanib-puwersang aliw sa kanyang vlog dahil sa pakikipag-collaborate niya sa Beks Battalion (Chad Kinis, Lassy Marquez at MC Calaquian).

Ganoon din sa DoLaiNab (Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake). May collab din siya kay Sachzna Laparan at Kapuso actress Sanya Lopez.

May pasabog din siya kasama ang JaMill (Jaysam Manabat, Camille Trinidad).

At dahil generous talaga si Sir Wil mamahagi sya ng blessings para sa mga solid kafreshness subscriber.

“Despite of struggles and challenges that we are facing global health issues. Bangon tayo mga Pilipino. ‘Wag nating hayaan na lamunin tayo ng lungkot! Spread positive vibes at dapat tayo laging fresh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“See you on Dec. 24, 7 p.m. para lang sa exclusive kafreshness subscriber for Noche Bola Raffle Bonanza,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending