Zanjoe nagpaliwanag sa chikang nabuntis niya si Angelica: Sana nga totoo na lang... | Bandera

Zanjoe nagpaliwanag sa chikang nabuntis niya si Angelica: Sana nga totoo na lang…

Reggee Bonoan - December 20, 2020 - 03:27 PM

“PARA po sa mga umaasa, lilinawin ko po, wala pong katotohanan ‘yun, mabuti kaming magkaibigan ng taong ‘yun.”

Yan ang simulang paliwanag ni Zanjoe Marudo tungkol sa chikang buntis daw si Angelica Panganiban at siya ang itinuturong ama.

Kinlaro ito ni Zanjoe sa kanyang YouTube channel sa “Tsikahan with Hyubs” kasama si Hyubs Azarcon.

Nakikita kasi sa mga post sa social media ang closeness nina Zanjoe at Angelica pero ayon sa aktor ay magkaibigan lang talaga sila ng dalaga, isama pa si Paulo Avelino na kasama rin nila sa teleseryeng “Walang Hanggang Paalam” ng Dreamscape Entertainment.

“Nami-misinterpret kasi ‘yung friendship n’yo. Hanggang Amerika nga nakarating. Ang daming nagtatanong kay Tatay, siyempre kilala siya sa grocery, kaya tinanong ako, ‘Hyubs, ano ba ‘yun?’ Siyempre na-bother din si erpats sa balitang na-tesbun mo,” natatawang komento ng komedyante.

Hirit ni Zanjoe, “Sana nga totoo na lang. Ha-hahaha!”

“Nasa tamang edad ka na hijo. Para pag ano, magiging barkada mo ‘yung nak-a (anak) mo,” sabi naman ni Hyubs.

“Ayaw ko namang maging barkada anak ko, gusto ko anak ko siya,” sagot ng aktor.
“(Oo nga) pag barkada mo ‘yun baka mapariwara,” tumawang sabi ni Hyubs. Dagdag pa ng comedian, “Gustung-gusto mo na rin kasi, eh di ba?”

Sabay hirit ni Zanjoe ng, “Sa mga ano diyan, sa mga gusto na rin. Ha-hahaha! Sa mga gusto na ring magpamilya diyan, mag-comment lang below. At kung gusto n’yo, lagay n’yo na address n’yo.”

“Magpapa go-see muna ako,” joke uli ni Hyubs.

Sa pagpapatuloy ni Zanjoe, “Ang mao-offer ko lang ay simpleng buhay, free wifi, may aso akong mabait. Ano pa ba puwede kong i-offer?”

“Gandang lahi,” hirit ni Hyubs na ikinatawa nilang pareho ng binata.

“Ang puwede kong i-offer sa inyo ay apelyido ko!” sabi pa ni Zanjoe.

“Gagamitin mo ‘yang apelyido mon a ginamit ng lolo mo sa lola mo, pati ginamit ‘yan ng tatay mo sa nanay mo. Kaya gagamitin mo rin ‘yan sa magiging asawa mo,” sabi naman ni Hyubs kay Z.

Sabay tanong ni Hyubs kay Zanjoe, “So wala ka sa looks (hindi tumitingin sa itsura).”

“Wala naman, gusto ko lang ‘yung masarap tingnan (Pinay beauty sabi ni Huybs), kahit ano basta pag tinignan ko parang gusto ko laging makita,” say ng aktor.

“Parang the apple of my eye?” sabi uli ng kaibigan ni Zanjoe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, mukhang seryoso naman ang ibang nagbigay ng komento sa video nina Zanjoe na umabot sa mahigit isang libo at ang mga nakapanood ay umabot na sa 270,000 na highest views niya so far.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending