Paalala ni Kuya sa PBB Connect housemates: Igalang at irespeto n'yo ang pagkakaiba ng bawat isa | Bandera

Paalala ni Kuya sa PBB Connect housemates: Igalang at irespeto n’yo ang pagkakaiba ng bawat isa

Reggee Bonoan - December 20, 2020 - 02:02 PM

HUMINGI na nga ng patawad ang “PBB Connect” housemate na si Justin Dizon sa kapwa housemate na si Jie-Ann Armero dahil sa pang-aasar nito tungkol sa hindi madalas na pagligo ng dalagita.

Sabi ni Justin kay Jie-Ann, na naging malapit na niyang kaibigan sa loob ng Bahay ni Kuya, “I really lacked understanding na we don’t live in the same house. If ever you felt offended with those jokes, I wanna say sorry.

“I forgot to realize na iba tayo ng environment. I wanna say sorry because they were insensitive. I’ll try my best to be more sensitive with how you feel,” aniya.

Sa episode na ipinalabas sa programa noong Dis.18 ay nilapitan ni Justin si Jie-Ann, na noo’y dinadamayan ng iba pang housemates matapos makitang malungkot. Ipinaliwanag ng Kwelang Fangirl ng Sarangani na hindi niya nakasanayan ang pagligo araw-araw dahil kinakailangan pa nilang bumili ng tubig.

Kuwento ni Jie-Ann, P12 kada lalagyan ang binibili nila kaya’t tinitipid ng kanyang pamilya ang tubig nila sa bahay.

Naging usap-usapan ng mga netizen sina Justin at Jie-Ann kamakailan nang kumalat ang isang bahagi ng “PBB Connect” livestream kung saan nakapagsalita nga ng masasakit si Justin kay Jie-Ann.

Pero napagtanto ni Justin na mali ang kanyang naging pagtrato kay Jie-Ann kahit pa nagbibiruan silang dalawa kaya humingi ito ng tawad.

Binigyang diin ni Kuya sa housemates at mga viewers ang kahalagahan ng respeto at pag-unawa sa kapwa.

“Tinipon ko kayo rito sa aking bahay na may iba’t ibang pinanggalingan, kultura, tradisyon sa pamumuhay, ugaling kinagisnan, at pang araw-araw na pinagdaraanan.

“Sa nangyaring ito, hangad ko na hindi lang na mas makilala pa ninyo ang isa’t isa, kundi ang igalang niyo rin ang pagkakaiba ng bawat isa at matutong rumespeto at umunawa dahil kayo ay magkakaiba ng pinagdaraanan. Sa ganitong paraan, mas titibay ang inyong samahan,” paliwanag ni Kuya sa housemates

Samantala, ipinakilala na rin sa PBB Kumunect Tayo Afternoon Show nina Melai Cantiveros at Enchong Dee ang ika-15 official housemate ng season na si Ralph Malibunas, Ang Na-Nice Boy Nanny ng France.

Ibinalita rin nina Bianca Gonzalez at Robi Domingo sa PBB Kumunect Tayo sa primetime na 14 na lamang ang natitirang aspiring housemate sa Kumu na maaaring makapasok sa bahay ni Kuya.

Subaybayan ang iba pang pangyayari sa “PBB Connect” sa primetime, 8:30 p.m. sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samahan din sina Bianca at Robi sa PBB KUMUnect Tayo ng 10 p.m. (weekdays) at 8:30 p.m. (weekends) at sina Melai at Enchong sa PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show ng 5 p.m. sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending