BL movie star Keann Johnson namulat sa buhay-LGBTQ: Lesbian po ang mom ko | Bandera

BL movie star Keann Johnson namulat sa buhay-LGBTQ: Lesbian po ang mom ko

Reggee Bonoan - December 18, 2020 - 03:01 PM

“MY mom is open lesbian po.” Ito ang diretsong inamin ni Keann Johnson nang tanungin kung bakit siya malapit sa LGBTQ+ community.

Unang nagkuwento tungkol dito ang katambal at kaibigan niyang si Adrian Lindayag sa nakaraang virtual mediacon para sa movie nilang “The Boy Foretold by the Stars”.

Mapapanood na ito sa Metro Manila Film Festival 2020 simula ngayong Dis. 25 produced ng Clever Minds at ni Jodi Sta. Maria at idinirek ni Dolly Dulu.

Para kay Keann ba ay may pagkakaiba ba ang pagpapalaki ng lesbian at straight na babae sa kanilang mga anak.

“Based on being strict hindi naman po. Yes, there is a difference, mas naging open po ako to everything.  Na-understand ko po ang different perspective like for example if my mom wasn’t part of the LGBTQ community, I won’t be able to understand ang perspective n’yo po.

“And I think, that’s also another blessing na I was given a chance to have a wonderful mom,” ang pahayag ng aktor na nawawala-wala ang kuneksyon kaya ang daming nanghihinayang na hindi narinig ang sagot niya.

To the rescue naman si direk Dolly na mabait nga raw talagang bata si Keann at ang mommy nito ay parating kasama sa set ng “The Boy Foretold by the Stars.”

“Sobrang maalaga po ‘yung mom niya. Sobrang love ni Keann ang mom niya as in, mama’s boy ‘yang si Keann.

“Nakakatuwa po kasi si tita (mommy ni Keann) kasi ‘yung itsura niya, typical butch lesbian. Wala pong restriction si tita for Keann. Actually, nu’ng na-audition si Keann, si tita po ‘yung go na go at siya nga po may gustong gawin ng anak niya itong movie na LGBT kasi she’s part of the LGBT na kuwento po natin,” pahayag ng direktor.

Sa tanong kay Keann kung anong stand niya sa straight and gay relationship, “I think mga 7 years old po my mom admitted to me na she’s a lesbian and she helped me understand the situation a lot better and actually I’m glad that it came from her ‘coz as you can see, ‘yung mind set ko pagdating sa LGBTQ plus community had become a lot broad and open.  So, my insight about is love has no boundaries.

“Ang mindset ko po kasi, for as long as masaya ang mama ko, masaya rin ako. That was my understanding of it all because I saw her happy.

“When she was in a heterosexual relationship, I saw she wasn’t happy.  She knew in her heart na parang she’s not in love with a man and eventually when she started…nu’ng na-in love with another woman that was I saw her that she’s genuinely happy and sa totoo lang, it really makes big difference who you love,” pagtatapat ni Keann.

Hinangaan nang husto si Keann sa mga sinabi niyang ito kaya talagang plus pogi points siya rito kaya naman nangako ang lahat na panonoorin nila ang “The Boy Foretold by the Stars.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “The Boy Foretold By The Stars” streaming worldwide sa upstream.ph simula December 25. Para mapanood, mag-log on sa upstream.ph/mmff to reserve. I-click ang “Pay” para makakuha ng ticket sa GMovies.ph, ang partner ticketing site. I-click “Create an Account” kung wala ka pang GMovies account.

Simula Dec. 25, pwede mong mapanood ang pelikula sa “My Shows” ng iyong GMovies account.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending