Migo Adecer umaming ibang-iba na ngayon: Mas marami na akong alam ngayon sa showbiz | Bandera

Migo Adecer umaming ibang-iba na ngayon: Mas marami na akong alam ngayon sa showbiz

Ervin Santiago - December 18, 2020 - 12:12 PM


KASABAY ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa darating na Dec. 20, feeling blessed pa rin ang Kapuso actor na si Migo Adecer dahil tumagal siya ng five years sa showbiz.

Matapos tanghaling Ultimate Male Survivor sa sixth season ng reality-based artista search ng GMA Network na “StarStruck” noong 2015, nag-umpisa na ang career ni Migo bilang isang aktor at patuloy niyang  ipinamamalas ang kanyang talento sa pag-arte sa mga teleserye ng GMA.

Sey ng Kapuso hunk, marami siyang natutunan mula sa kanyang mga karanasan sa showbiz sa loob ng limang taon, “Well, for sure I’m definitely a different person from when I first started. Mas marami na akong alam sa craft natin ngayon sa showbiz.

“Of course, it’s definitely been hard, there were a lot of difficult times, it is not easy pero the good outweighs the bad naman. Grateful lang ako na mayroon akong opportunity na maging artista sa GMA. It’s been a humbling experience, I can say that,” ani Migo.

Samantala, sumabak na rin kamakailan ang binata sa lock-in taping para sa Kapuso series na “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” na malapit na uling mapanood sa GMA Telebabad starring Barbie Forteza and Kate Valdez.

“Actually, mas better para sa akin ngayon,” aniya patungkol sa naging taping experience under the new normal. Bukod sa serye, balik studio taping na rin si Migo sa “All-Out Sundays.”

“Lahat ng tao nagrerespeto sa personal space. Alam nila ‘yung dangers and ‘yung concerns about the virus that will spread around. Lahat ng mga items sa set ay sanitized,” aniya sa panayam ng GMA.

Aminado rin si Migo na mas naging mabilis ang trabaho nila ngayon sa lock-in taping, “Napakadali, as in sobrang efficient. Sabi nila dati hindi posible na matatapos tayo ng early, pero noong nagkaroon ng pandemic, nag-early lahat ng trabaho natin. Mas efficient ngayon.”

Noong kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic ay nasa Hong Kong si Migo at napakaraki raw niyang realizations pagdating sa pagtatrabaho bilang artist.

“I was so burned out from work. Not saying that I am not glad for work, not saying that I don’t enjoy work. It’s just that I realized that I was working so much that I was forgetting about myself.

“By the time the pandemic came by, I found myself saying thank God. Hindi ibig sabihin na thank God nandoon ‘yung pandemic, may virus doon na is killing people, no, no, no.

Of course not.

“Thank God in a sense na this pandemic allowed me to take some time to myself. And that time specifically mga eight months, I was just able to relax and totally destress.

“I don’t think it’s the kind of time that an artist like me or an artist any network could have because seven months is already a long time for you to be away from the screen. It’s very easy for someone to take your spot so this allowed me to, just kind of, breathe in and remember who I was,” paliwanag pa ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Remember what it felt like to rest and to not have responsibility. I feel like I came out a more whole person after this pandemic.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending