Karla 30 years na sa showbiz: Dahil diyan naitaguyod ko ang buhay at pamilya ko | Bandera

Karla 30 years na sa showbiz: Dahil diyan naitaguyod ko ang buhay at pamilya ko

Ervin Santiago - December 18, 2020 - 10:27 AM


“HINDI ko man dinanas ang kasikatan, masayang’masaya na rin ako sa nakamit kong tagumpay sa mundo ng showbiz!”

Yan ang bahagi ng mensahe ng TV host-actress na si Karla Estrada para sa 30th anniversary niya sa entertainment industry.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang nanay ni Daniel Padill ng kanyang mga throwback photos noong 16 years old pa lang siya at nagpe-perform sa isang TV show.

Aniya, napakabilis daw talaga ng panahon, “16 years old since I started my career in showbiz… Wow! It’s been 30 years now?

“Grabe! Hindi ko namalayan sa sobrang dami ng nangyari! Bilang lang ang malungkot, hindi mabilang ang saya, kaya nga ‘di ko namalayan na naka-tatlong dekada na pala ako,” dagdag pa niyang pahayag sa caption.

Nagpasalamat din ang Kapamilya TV host na kahit 30 years na ang lumipas, masasabing “relevant” pa rin siya showbiz at nabibigyan pa rin ng chance na makapagpasaya ng manonood.

“30 years na kaming magkaagapay ng industriyang ito! Salamat sa lahat ng entablado, sinehan at telebisyon dahil diyan naitaguyod ko ang buhay at pamilya ko.

“Hindi ko man dinanas ang kasikatan, masayang masaya narin ako sa nakamit kong tagumpay sa mundo ng showbiz na tanging pangarap kong pasukin simula noong bata pa ako!” lahad pa ni Karla.

Patuloy pa niya, “Magpahanggang ngayon ay nandito pa rin ako at katuwang ko na ang aking mga anak. Bongga!

“At hangga’t gusto niyo pa ako ay patuloy tayong magsasama nang masaya lang. MARAMING SALAMAT PANGINOON SA PAGKAKATAON,” aniya pa gamit ang hasthag na #mybreadandbutter.

Aminado naman si Karla na talagang bata pa lang ay pangarap na niya ang maging artista. Ilang beses din siyang sumali noon sa mga singing competition.

Ang talent manager at entertainment columnist na si Nap Gutierrez ang naka-discover sa kanya hanggang sa maging member na nga ng “That’s Entertainment” ni Kuya Germs (German Moreno) noong 1990.

“Sinabi niya (Nap) sa akin kung gusto mong mag-artista. Sagot ko, ‘Opo.’

“Noong araw ng audition, nagkaroon ako ng chicken pox, so umiyak kami ni Do ng mga tatlong balde. Sabi ko ano kaya ang reason bakit ako nagkasakit eh ito na ‘yon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So tinawagan namin, sinabi hindi makakapunta kasi may sakit. Sabi ni Tito Nap, tawagan niyo ako kapag magaling na siya. Si Tito Nap, in fairness naniniwala siya sa akin.
“Naalala ko noon kumanta ako ng ‘Better Days’ after that sabi ni Tito Germs o sige Wednesday Group ka na,'” pagbabalik-tanaw ni Karla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending