Kapuso youngstar busy sa manukan; impersonator ni Angel malakas ang laban sa 'The Clash' | Bandera

Kapuso youngstar busy sa manukan; impersonator ni Angel malakas ang laban sa ‘The Clash’

Ervin Santiago - December 18, 2020 - 10:02 AM

HABANG hindi pa nagkakaroon ng regular na trabaho sa GMA 7, tumutulong muna si Ysabel Ortega sa mga negosyo ng kanilang pamilya.
Isa nga sa pinagkakaabalahan ngayon ng dalaga ay ang pagtulong sa pagpapatakbo sa manukan nila sa La Union.

Sa kanyang latest vlog sa YouTube, ipinasilip ng Kapuso young actress sa mga netizens ang bagong manukan at taniman nila ng lemon sa probinsya na nasa ilalim pa rin ng community quarantine.
Sa ngayon, may 3,000 lemon trees na sina Ysabel sa malawak nilang farm at balak pa raw ng kanilang pamilya na magtanim doon ng coconut at pomelo.

Ipinakita rin ng Kapuso star sa publiko ang makina na gumagawa ng fertilizer mula sa mga dahon at sanga ng halaman.

Sa isang bahagi ng video, ipinakita rin ni Ysabel ang kanilang manukan kung saan siya mismo ang nag-asikaso ng mga sisiw na kadarating lang sa kanilang farm.

* * *

Marami ang nanghuhula na ang sikat na impersonator ni Angel Locsin na si Jennie Gabriel ang tatanghaling champion sa “The Clash Season 3”.

Si Jennie, ang “Belter Babe ng Makati,” ang isa sa Final 6 na makikipagbakbakan sa grand finals ng Kapuso reality singing search bukas at sa Linggo.

Kung matatandaan, si Jennie ang unang natsugi sa Top 30 ng “The Clash” pero nakabalik din matapos umariba sa Clashback.

“Top 6 na tayo pero until now ‘di pa rin nagsi-sink in sa akin dahil hindi ako makapaniwala na isa ko sa mga sinuwerte na makapasok dito.

“From Top 30, ngayon Top 6 na. Gano’n kabilis ang lahat ng pangyayari at pa-intense nang pa-intense kada round,” sabi ni Jennie sa panayam ng GMA.

Para sa dalaga, lahat silang nasa final 6 ay deserving manalo, “Lagi ko namang binibigay ‘yung best ko tapos masaya lang.”

Nagbiro pa nga siya gamit ang boses ni Kris Aquino, “Wala na kayong komedyante kung ‘di ako makakapasok kaya ilaban natin hanggang dulo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakalaban niya sa grand finals sina Renz Robosa, Jessica Villarubin, Sheemee Buenaobra, Larnie Cayabyab at Fritzie Magpoc.

Sino nga kaya ang susunod sa yapak nina Golden Canedo at Jeremiah Tiangco bilang grand champion ng “The Clash Season 3”? Abangan yan ngayong Sabado, Dec. 19, 7:15 p.m.., at sa Linggo, Dec. 20, 7:45 p.m., sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending