Lani hindi na makakabalik sa The Clash grand finals; 6 Clashers huhusgahan sa 'shocking twist' | Bandera

Lani hindi na makakabalik sa The Clash grand finals; 6 Clashers huhusgahan sa ‘shocking twist’

Ervin Santiago - December 15, 2020 - 09:28 AM

BIGLA mang nawala ang Asia’s Nightingale sa “The Clash Season 3” bilang judge, tuloy pa rin ang pagsuporta nito sa original reality talent search ng GMA 7.

Halos two months nang hindi napapanood si Lani sa programa dahil sa pagkakaroon nito ng karamdaman. Ang original Concert Queen na si Pops Fernandez ang pumalit sa kanya bilang member ng Clash Panel.

Todo naman ang pasasalamat ng Journey hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela kay Lani dahil kahit nga wala na ito sa show ay talagang kinakarir nito ang pagpo-promote sa “The Clash” sa pamamagitan ng social media habang nagpapagaling sa kanilang bahay.

“Sobrang napakabuting tao niya and sobrang nami-miss na namin talaga siya sa The Clash.

“Pero kahit wala siya sa studio, mararamdaman mo pa rin ‘yung suporta ni Ms. Lani because sa social media talagang nagtu-tweet siya, nagko-comment siya,” pahayag ni Ken sa panayam ng GMA.

May good news naman para sa lahat ng fans ni Lani at sa lahat ng mga nakaka-miss sa kanya sa “The Clash.” Hindi man siya makakabalik sa finals ng show, sure na sure naman daw na makakasama ito sa “reunion” performance ng “The Clash” family.

Ka-join ang OPM icon at ang “The Clash” hosts and judges, pati na ang mga dati at bagong contestants sa isang Christmas Special na mapapanood na very soon sa GMA.

Samantala, wala nang atrasan ang “The Clash Season 3” final showdown sa darating na weekend, Dec.19 at 20. Siniguro nina Ken at Rita na marami pang pasabog na twist ang programa sa grand finals.

“I have to say The Clash won’t be The Clash ‘pag wala siyang twist.

“Akala namin no’ng papalit na ‘yung finals, dere-deretso na pero ‘di pa pala so I think sobrang mag-e-enjoy ‘yung mga Kapuso viewers natin at kapag ready na lang sila, kapit na lang sila sa inuupuan nila,” ani Rita.

Anim na lang ang natitirang Clashers na magbabakbakan sa finale — sina Renz Robosa, Jennie Gabriel, Fritzie Magpoc, Jessica Villarubin, Larnie Cayabyab at Sheemee Buenaobra.

Hindi naman maiwasan nina Rita at Ken na maging emosyonal sa pagtatapos ng “The Clash”. Sey ni Ken, “Nalulungkot ako kasi, as journey host kami ni Rita, napamahal na sa ‘min ‘yung mga Clashers. And alam na namin ‘yung mga buhay nila, nagse-share sila sa ‘min tungkol sa mga buhay nila, mga pinagdadaanan nila especially during the pandemic.

“So, kapag unti-unti silang nawawala, ang sakit lang parang nakakalungkot lang. Well ganoon talaga ang kompetisyon lalo na nalalapit na ang grand finals ng The Clash,” lahad ng actor-host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya tutukan ang huling showdown sa “The Clash” ngayong Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m., sa GMA lang. May livestreaming din ang programa sa Facebook page at YouTube channel ng programa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending