Pasaway na aktres nirereklamo ng katrabaho; mga project napunta sa mabait na female celeb
“BITTER” na matatawag para sa amin ang mga supporters ng isang sikat na aktres.
Inaaway kasi nila ngayon sa social media ang isa pang kilalang female celebrity na maraming projects ngayon dahil napunta sa kanya ang ilan sa mga dapat sana’y para sa kanilang idolo.
Naka-freeze kasi ngayon ang karera ng female celeb dahil sa hindi nila pagkakasunduan ng kanyang management company kaya ang mga nabinbin nitong project ay napunta sa sikat na aktres.
Ayon sa aming source, “E, kung hindi siya nagmamaganda, e, di sana siya pa rin ang bida kasi in fairness naman isa siya sa moneymaker ng kumpanya.
“Pero lately nga hindi sinisipot ang mga commitment kaya hayan, nanlamig na. Ang daming reklamong natatanggap ng kumpanya mula sa advertisers at sponsors kasi nga hindi siya tumutupad sa mga usapan.
“At para hindi masira ang pangalan ng kumpanya, si _____ (kilalang aktres) ang gumagawa ng mga proyektong para sana sa kanya at tuwang-tuwa ang advertisers dahil wala silang naging problema, super smooth ang lahat.
“Same thing sa mga TV show, madaling kausap si _____ (kilalang aktres) walang diva attitude. Kaya kita mo, after ng isang project, may kasunod kaagad kasi nagustuhan siya ng mga producers, very professional,” sabi ng aming source.
Sabagay may experience rin ang kaibigan naming taga-production na sumakit daw nang husto ang ulo nila sa sikat na aktres dahil kahit nasa kontrata ang mga gagawin niya sa isang TV commercial ay hindi nito ginawa.
At para matapos na lang ang project dahil naumpisahan na nila ito ay ginawan na lang ng paraan at nangakong hindi na siya kukunin muli.
May mga nabasa naman kaming reaksyon ng supporters ng female celeb na kaya nga raw nagmamaldita ang idol nila ay dahil may isyu siya sa management company niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.