Duterte supporters tutol sa planong pagbuhay sa prangkisa ng ABS-CBN
Tinawag na “pambabastos” ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong mabigyan ng prangkisa sa susunud na taon ang ABS-CBN.
Kasunod ito ng pagtiyak na ginawa ni Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep Lito Atienza na umano’y bumubwelo lamang ang liderato ni Speaker Lord Allan Velascso dahil kauupo lamang sa pwesto subalit pagpasok ng 2021 ay haharapin nito ang isang “major battle” para mabigyan ng hustisya ang ginawang “pag-firing squad” sa ABS-CBN.
Sinabi ng pro-Duterte Blogger na si Banat By o Byron Cristobal na kung itutuloy nina Atienza ang planong mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN ay sila na mismo ang nambastos sa bayan.
Ito ay dahil sa nakita naman aniya sa mga isinagawang pagdinig na may mga violations ginawa ang ABS-CBN na syang dahilan ng pagkansela sa kanilang parangkisa.
“Ito ‘yung sinasabi natin eh, pinasukan na ng pulitika,” paliwanag ni Cristobal.
Naniniwala ang mga Duterte supporters na ang kumpiyansa ni Atienza na may magagawa na ito ngayon para maisulong ang ABS-CBN franchise renewal ay dahil na rin sa nakapwesto na ito bilang Deputy Speaker.
Bunga nito, binatikos ni Cristobal si Velasco sa ginawa nitong bayad-utang kay Atienza kaya ipinuwesto bilang Deputy Speaker.
“Si Atienza ay isang dilawan, bumabatikos kay Pangulong Duterte, pero dahil ipinagtanggol nya nang todo si Velasco nung naglalabanan sa Speakership. Kaya eto ngayon, ang bayad-utang ay ang posisyon. Ganun na ba ngayon, ang posisyon ang syang binabayad sa utang, nakakahiya naman,” dagdag pa ni Cristobal.
Maliban kay Atienza, naitala din bilang Deputy Speaker si Cagayan Rep Rufus Rodriguez na isa sa supporter din ng ABS-CBN franchise renewal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.