Wally nahawa ng virus: Hindi na ako nag-ingat kasi parang ang naging mentalidad ko wala namang COVID
AMINADO ang Kapuso host-comedian na si Wally Bayola na tinamaan siya ng COVID-19 dahil na rin sa kanyang kapabayaan.
Sa nakaraang episode ng “Bawal Judgemental” sa “Eat Bulaga”, ibinandera nina Allan K. at Wally sa harap ng mga Dabarkads na pareho silang nahawahan ng killer virus. Napatunayan na raw nila ngayon na COVID is real at patuloy pa ring nambibiktima until now.
Ayon kay Wally, tinamaan siya ng virus dahil masyado siyang naging kampante at kung minsan ay hindi na sinusunod ang mga safety protocols na ipinatutupad ng gobyerno.
Aniya, “Parang nakalimutan ko mag-vitamins for one week. parang relax relax lang.
“Tapos masyado akong naging paniwalain du’n sa mga nakikita ko minsan sa social media na wala namang COVID, hindi naman totoong may COVID, ganyan.
“So parang nadala ako, hindi na ako nagma-mask. Parang napagod na ako mag-mask, napagod na ako mag-face shield.
“Kaya minsan kapag pauwi, may magpapa-picture, nagtatanggal pa ako ng mask at face shield, dikit pa talaga.
“So parang na-relax ako. Hindi ako nag-ingat kasi parang ang naging mentalidad ko wala namang COVID,” kuwento niya sa “Bawal Judgmental” segment kung saan kasama sila ni Allan K sa mga pagpipiliaan ng celebrity “judge” na si Ali Sotto.
* * *
Isa pa sa mga nadagdag sa listahan ng mga celebrity na nagka-COVID ay si Maybelyn dela Cruz.
Feeling ng aktres, nakuha niya ang virus nang makibahagi sa relief mission para sa mga biktima ng bagyong Rolly at Ulysses sa Cagayan.
Pagkatapos ng kanilang relief operation, nagpa-swab test si Maybelyn at sumailalim agad sa self-quarantine. At nang lumabas na nga ang resulta ng test, positive na nga siya.
“And… I have COVID. As most of you already know, I recently participated in relief operations in the Cagayan region.
“Following health guidelines, I observed voluntary self-quarantine in a separate room in our home and subsequently subjected myself to swab testing.
“It was something I was hoping would not happen, but it has. I was informed just last night that I tested positive for COVID-19,” pahayag ng dating child star sa kanyang Instagram page.
“I then immediately coordinated with the city focal person, called the hospital, and was admitted. Fortunately, I only have mild symptoms; I feel well, and I am being closely monitored. My family is scheduled for swab testing on Monday,” aniya pa.
“My husband, Michael, and I would like to take this opportunity to inform those who had close contact with us as we understand that it is a necessary step for the safety and protection of all concerned.
“As responsible members of our community, our family appreciates the importance of health protocols in order to break the chain of transmission.
“We thank you for your well wishes, support and prayers. We hope that your families stay safe in these difficult times,” pagpapatuloy pa ni Maybelyn na isang Red Cross volunteer sa Dagupan, Pangasinan. Doon na sila naka-base ngayon ng asawang si Dagupan City Councilor Michael Fernandez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.