Jessy sa proposal ni Luis: The moment na luluhod na siya hindi ka na makakasalita, I was so shocked... | Bandera

Jessy sa proposal ni Luis: The moment na luluhod na siya hindi ka na makakasalita, I was so shocked…

Reggee Bonoan - December 13, 2020 - 11:02 AM

ANONG mayroon sa petsang Dis. 12 at ito ang napili nina Luis Manzano at Jessy Mendiola para ibandera sa publiko na engaged na sila.

Unang linggo ng Oktubre ngayong taon nang mag-propose ang TV host sa dalaga pagkalipas ng apat na taon bilang magkarelasyon.

Nitong Biyernes, Dis. 11 ay nag-post sina Luis at Jessy sa kani-kanilang Instagram account ng maiklinh video na may nakalagay na “12.12.20” na nakaguhit sa puting buhangin. Kuha ito sa isang resort kung saan sila naka-check-in.

Biyernes din ipinost ni Jessy ang katagang, “When the time is right, I the the Lord will make it happen”, na may nakalagay na petsang, “12.12.20.”

At araw ng Sabado sa ganap na 12:10 ng tanghali ay ipinost na nina Luis at Jessy ang larawan kung saan pareho nilang tinitingnan ang diamond ring na suot ng dalaga.

Ang caption ni Luis, “The HowHows (emoji 2 red hearts).” At si Jessy, “YES. #JessGotLucky.”

Kaya nagduda kami na nangyari na ang marriage proposal bago pa ang 12-20-2020 dahil walang ipinost na larawang lumuhod si Luis para tanungin si Jessy ng, “Will you marry me?”

Kinagabihan ng Sabado ay ini-report na ni MJ Felipe sa “TV Patrol” ang first ever interview niya sa soon to be Mr. and Mrs. Luis Manzano.

Naikuwento ng magkasintahan na ginanap ang proposal sa unang linggo ng Oktubre at hindi nila ito pinlano.

Kuwento ni Jessy, “Everyone is congratulating us, kahit ‘yung mga hindi namin kilala naiiyak sila kasi nakita nila ang journey ng relationship namin ever since from the beginning.

“Pero alam mo nakakatuwa din na naitago namin for a long time, parang we had this small bubble na meron tayong secret,” aniya.

Dagdag ni Luis, “Ang sarap din kasi na it was between us lang, pero ang sarap din na the whole world is happy for us, so it’s a mix of feelings.”

Ayon pa sa aktres, ang proposal ni Luis ang hinding-hindi niya makakalimutan habang nabubuhay siya dahil ito ang dream niya noon pa lalo na ang pinangarap niyang disensyo ng singsing at size ay tugma sa ibinigay sa kanya ng fiancé.

“The moment na luluhod na siya tapos titingnan ka na niya sa mata, tapos sasabihin niya ‘yung mga bagay na ipinapangako niya sa ‘yo and when he finally asks you that question na, ‘Will you marry me?’ Hindi ka na makakasalita, I was so shocked.

“Finally, kapag nasuot mo na ‘yung ring eto na pala ‘yun, he’s really the one na. Lahat ng pinagdaanan namin both smiles and cries, led to this moment!” kuwento pa ng aktres.

Inamin din ng fiancée ni Luis na sobrang pressure ang pinagdaanan nila dahil lagi silang tinatanong kung kailan ang kasal lalo’t nasa marrying age na ang TV host.

“Matanda na siya (Luis) at marrying age na. He respected my timeline also, when we got together kasi, hindi ko naman sinasabi na matanda na siya. Ha-hahaha! Medyo malaki ‘yung age gap namin, pero we work well kasi, kaya sinasabi ng ibang tao na marrying age na siya,” kuwento ni Jessy.

Sa 2021 ang plano nina Luis at Jessy na magpakasal, “We are looking at next year, mid next year. Ang dami naming mga kaibigan na nagkaroon ng long engagement, some of our friends are telling us na best advice that we could give you is wag na kayo mag-long engagement, if you can plan it shorter, do it,” say ni Jessy.

Kaya sana mawala na ang COVID-19 pandemic dahil ang main concern ng dalawa ay ang safety ng mga magulang nila na dapat present at lahat ng mga dadalo sa kasal nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nakunan na rin pala ang prenup shoot ng future husband and wife na kinunan pa sa Amanpulo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending