Melai, Jason mas pinili ang 'forever' kesa mawasak ang relasyon dahil sa selos | Bandera

Melai, Jason mas pinili ang ‘forever’ kesa mawasak ang relasyon dahil sa selos

Ervin Santiago - December 13, 2020 - 09:42 AM

“TALAGANG thank you Lord, wala lang talaga sumuko sa amin nu’ng nag-rock and roll.”

Ito ang pahayag ni Melai Cantiveros patungkol sa naging hamon ng tadhana sa relasyon nila ni Jason Francisco na umabot pa sa panandaliang paghihiwalay.

Seven years nang mag-asawa ang MelaSon at talagang ilang beses na ring sinubok ang kanilang pagsasama na naging mitsa ng muntikan na nilang paghihiwalay.

“Eto na yung nagkakasagasa yung aming personal na buhay at trabaho. Eto yung mga bagay na dapat kami lang nakakaalam. Pero siyempre, akala natin kilala natin ang isa’t isa.

“Kumbaga, iyon ay honest mistake. Eto yung pinakapanget na time na. Ayoko na maiisip yung time na yun,” ani Melai sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” kung saan sila nagdiwang ng kanilang 7th anniversary.

Ayon sa TV host-comedienne, nangyari ito taong 2016 habang ginagawa niya ang teleseryeng “We Will Survive”, “Nabitawan na (ang relasyon). Eto yung Bohol days. Eto yung ‘We Will Survive’ days. Eto yung time na nag-Mindoro na siya, ako naman I have to life my life.”

Umamin naman si Jason na selos ang ugat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Melai noon dahil sa tambalan ng asawa at ni Carlo Aquino sa nasabing serye. Dahil dito, halos dalawang buwan daw silang magkahiwalay ng  kuwarto ni Melai.

Ngunit mas pinili raw nila ang ayusin ang kanilang mga issue. Sey ni Melai, “Kasi for me, alam ko ang pinanggalingan at alam ko ang kahihinatnan.

“So ngayon, may mga bagay na nagawa pero di mo na mababalik. Kasi kilala ko siya bilang husband ko, kilala rin niya ako bilang asawa niya.

“So, alam ko kung paano siya iso-solve, and I need time para i-solve yun. Kaya kami, talagang thank you, Lord, wala lang talaga sumuko sa amin nung nag-rock and roll,” pahayag ni Melai.

Aniya, mas pinili niya ang kanyang “forever”, “Kasi siyempre, marami ka talagang maririnig na opinyon na kaliwa’t kanan.

“Pero kahit marami yun, na-appreciate mo yun dahil mahal ka nila kaya binibigyan ka nila ng advice. Pero alam mo sa sarili mo kung papa’no iso-solve ang problema mo,” sey pa niya.

Sabi naman ni Jason, “Eto na yung matatawag na second chance. Nagsimula kami ulit. Lahat nagsimula ng malinis. Napakagandang pakinggan dahil lahat talaga ay may second chance.

“Bumalik tayo sa dati na alam na natin lahat, napakasaya, may anak pa tayong dalawa,” dugtong pa niya.

Singit naman ni Melai, “Tsaka thank you naman sa husband ko, nasobrahan siya ng dedicated sa amin. And kaming mag-asawa, mas naging strong, mas nakilala namin ang isa’t isa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal ang MelaSon sa Holy Cross Parish sa General Santos City, noong Dec. 9, 2013 at meron na silang dalawang anak, sina Mela at Stela.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending