Para kay Kristine, Baby #5 is best gift from above; Oyo gusto ng maraming anak | Bandera

Para kay Kristine, Baby #5 is best gift from above; Oyo gusto ng maraming anak

Reggee Bonoan - December 12, 2020 - 10:49 AM

Mula sa Instagram ni Kristine Hermosa-Sotto

NAKAPLANO pala talaga ang Baby #5 na kasalukuyang ipinagbubuntis ni Kristine Hermosa-Sotto.

Talagang gusto pa ni Tintin at ng asawang si Oyo Boy Sotto na magkaroon ng isa pang babaeng anak.

Iisa lang kasi ang anak nilang girl, ang panganay na si Ondrea Bliss na ngayon ay 9 years old na.

Matagal na raw kasing nanghihingi ng baby sister ang bagets, sa katunayan ipinost pa ni Kristine sa kanyang Instagram account ang request letter ng anak na nagsabing, “God Pls Give us a Baby Girl.”

Kasabay ng sulat ni Ondrea ay ipinost din ng maybahay ni Oyo ang pregnancy test at ultrasound na nasa interesting stage siya.

Kalakip nito ang Bible verse na, “Then he touched their eyes and said, ‘Because of your faith, it will happen.’ (NLT) – Matthew 9:29.”

Ang caption naman na inilagay ni Kristine ay, “Another answered prayer. Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon.

“Thank you Lord for sustaining us this entire year pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God.

“Kung wala ka, di namin alam kung saan kami pupulutin. All glory to you God. Salamat sa pagmamahal mo sa amin. I LOVE YOU SO MUCH JESUS.

“I love you Oyo, Kiel, Dre, Kaleb,Vin & Baby in my belly. Best Christmas and Anniversary gift from above,” aniya pa gamit ang mga hashtag na #Babyno.5, #Believingforahealthybabygirl, #2020surprise at #gratefulformyfamily.

Ni-repost naman ni Oyo ang pregnancy test at ultrasound result ng asawa, “Nag POSITIVE! Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka Lord! Salamat Lord Jesus! Napaka faithful mo kahit kailan. God is truly amazing. Ibang klase ang mga sorpresa mo. Best Christmas gift ever #5 #prayingforagirl.”

Pawang pagbati ang natanggap ng mag-asawa mula sa mga taga-showbiz sa pangunguna nina Erich Gonzagales, Mariel Padilla, Charlene Gonzales–Muhlach, Iza Calzado, Rodjun Cruz, Erika Padilla, Ara Mina, at iba pa. Isa-isa silang pinalasamatan ni Kristine. Iba pa ‘yung mula sa netizens na natutuwa sa muling pagkakaroon ng anak nina Tin at Oyo.

Totoo ba ang narinig namin na ang mga magpinsang lalaki na anak nina Tito at Vic na sina Quezon City Vice Mayor Gian Sotto at Oyo ay gusto ng maraming anak?

Sa kasalukuyan ay may anim na anak na si VM Gian at isa lang ang anak niyang babae at si Oyo naman ay mag-lilima na at sana babae na raw ang bunso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Mula sa Instagram ni Kristine Hermosa-Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending