Pagdami ng mga deputy speaker sa Kamara idinepensa
Pumalag si Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa mga kritisismo sa paglobo ng bilang ng mga deputy speakers sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Rodriguez, ang pagdadagdag ng deputy speakers ay tamang hakbang ng Kamara para masiguro ang pantay na representasyon ng lahat ng rehiyon at political parties sa bansa.
Paliwanag nito, ang National Capital Region na lamang palagi “ang imperial” pagdating sa deputy speakers kaya para kay Rodriguez mahalaga ring tiyakin na may kinatawan ang 16 na iba pang rehiyon sa bansa.
Batay aniya sa naging pangako ng Speaker, tinitiyak nito sa ilalim ng kanyang liderato na mapapabilang at magkakaisa ang lahat ng mambabatas kung saan magiging tunay na kinatawan ng taumbayan ang kapulungan.
Ginawa ni Rodriguez ang pahayag matapos maitalaga bilang deputy speakers ang siyam na mga kaalyado ni Speaker Lord Allan Velasco kung saan umakyat na sa 29 ang kabuuang bilang ng mga deputy speakers sa Kamara na siyang pinakamarami sa kasaysayan ng Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.