Bakit 'natatakot' sina Vhong at Tanya na magka-baby ngayong may pandemya? | Bandera

Bakit ‘natatakot’ sina Vhong at Tanya na magka-baby ngayong may pandemya?

Ervin Santiago - December 11, 2020 - 10:19 AM

EDAD ang issue kung bakit “natatakot” si Vhong Navarro at ang asawang si Tanya Bautista na magkaroon ng anak, lalo pa’t wala pa ring kasiguruhan ang kinabukasan ng mundo dahil sa pandemya.

Ayon sa Kapamilya TV host-comedian, gusto pa rin sana nila ni misis na magkaroon ng sariling baby pero hindi raw maiiwasan na magkaroon sila ng agam-agam tungkol dito.
Sa nakaraang virtual mediacon ng pelikulang “Mang Kepweng: Ang Lihim Ng Bandanang Itim” na official entry sa MMFF 2020, natanong namin si Vhong about this.

“Hindi talaga natatakot, kumbaga ang pagkakasabi natatakot kasi sa age, actually sa age namin, sa age niya na para sa kanya ay masyado nang late raw ‘yung ganu’ng age na ‘yon para gumawa pa kami,” tugon ng komedyante.

Dagdag pa niya, “Tapos parang tinitingnan din namin, parang kapag ilang taon na kami ehx baka hindi ba ‘yung anak namin parang masyado pa ring bata.
“Parang naano niya sa mga anak ko, ‘yung mga anak ko ngayon ay isang 24, isang 22. ‘Yun lang naman ‘yung takot namin, sa age namin,” paliwanag pa niya.

“Pero, siyempre naghalu-halo na, eh. Hindi ba ang trabaho pala natin ngayon akala mo established na, maganda na ‘yung trabaho mo, puwede pala mawala sa isang iglap, hindi ba? So hindi mo na masabi.

“Kaya ang hirap paano ka ulit magsisimula. Tapos parehas pa kaming nagtatrabaho sa ABS-CBN, hindi ba parang hindi natin hawak. Parang ‘yun’ yung mga naiisip namin during the pandemic,” lahad pa ni Mang Kepweng.

Last month, nagdiwang sina Vhong at Tanya ng kanilang first wedding anniversary. Ikinasal sila noong nakaraang taon sa Kyoto, Japan.

Samantala, busy na ngayon si Vhong sa promo ng “Mang Kepweng” part 2 at excited na siya na mapanood ito ng lahat ng Pinoy sa buong mundo bilang isa sa 10 entry sa MMFF 2020.

Mapapanood online ang “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim” simula Dec. 25 sa pamamagitan ng Upstream.ph.
Kasama rin sa movie sina Jaclyn Jose, Barbie Imperial, Ritz Azul, Joross Gamboa, Fumiya Sankai, Yamyam Gucong at Ryan Bang sa direksiyon ni Topel Lee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending