Julie Anne bida sa kilig seryeng Heartful Cafe; Sheryl, Jeric mas naging palaban sa hubaran | Bandera

Julie Anne bida sa kilig seryeng Heartful Cafe; Sheryl, Jeric mas naging palaban sa hubaran

Ervin Santiago - December 10, 2020 - 09:41 AM

MAY bagong pasabog na dapat abangan ang Kapuso viewers na siguradong maghahatid ng kakaibang kilig sa inyong mga puso — ito ang upcoming series na “Heartful Cafe.”

Bibida rito ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose bilang si Heart Fulgencio, ang online romance novelist na may-ari ng The Heartful Cafe.

Makakasama niya rito sina David Licauco na gaganap bilang guwapo at goal-driven niyang co-investor na si Ace; Zonia Mejia bilang ang prangka niyang pinsan na si Sol; at si Jamir Zabarte bilang ang boy-next-door at nakakatuwang si Buddy.

Ito ay maghahatid ng iba’t ibang kuwento ng pag-ibig para sa mga manonood kaya siguradong may bago na namang tututukan ang mga hopeless romantic.

Tutok lang sa GMA News TV para sa mga susunod pang updates tungkol sa bagong proyekto ni Julie Anne.

* * *

Lalong na-excite ang mga manonood sa pagbabalik ng GMA Afternoon Prime series na “Magkaagaw” matapos kumalat ang mga BTS (behind-the-scenes) photos ,ina Jeric Gonzales at Sheryl Cruz na kuha mula sa kanilang lock-in taping.

Sa Instagram post ni Sheryl ay makikita ang pasilip sa isa na namang intimate na eksena na siguradong pag-uusapan ng viewers.

Ikinuwento rin ng aktres sa isang interview ng GMA kung paano niya pinaghandaan ang ilang maiinit na eksena sa “Magkaagaw.”

Aniya, “Abangan natin ‘yang lahat. But you know, in all respect with the creativity and the creative writing of our writers in GMA 7, they stayed true naman to the plot of ‘Magkaagaw.’

“And sa totoo lang mas naging daring. Pumupunta siya sa mas pa-daring na scenes kaya ‘yun dapat ang abangan nila,” sabi ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi na makapaghintay ang fans sa muling pagpapainit ng mga karakter nina Jio at Veron tuwing hapon. Malapit na malapit ‘yan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending