Mariel nabahing habang kinukunan ang dinner date scene nina Robin at Vina sa bagong sitcom | Bandera

Mariel nabahing habang kinukunan ang dinner date scene nina Robin at Vina sa bagong sitcom

Reggee Bonoan - December 08, 2020 - 04:51 PM

“PEACE, Friendship and Professionalism ang ise-share ko sa inyo today.”

Ito ang simula ni Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang “No Other Camera Woman” vlog na in-upload sa kanyang YouTube channel.

“When the pandemic started we’re very blessed with work and we learned to work na kami=kami lang kasi work from home po kami kasi hindi kami lumalabas and we’re glad to the opportunities na nakuha namin during this pandemic,” dugtong pa niya.

Kaya nabanggit ang peace, friendship at professionalism ay dahil gusto niyang ipakita sa kanyang 774,000 subscribers na wala siyang isyu sa mga ex-girlfriends ng asawa niyang si Robin Padilla kaya siya pumayag na sa bahay nila i-shoot ang episode ng “Kesaya-Saya”.

Magkasama rito si Binoe at ex niyang si Vina Morales at si Mariel nga ang nagsilbing camerawoman, taga-check ng mga ilaw, script, continuity at iba pa.

Heto na, ipinakita na nagdedebate ang mag-asawang Robin at Mariel kung sino ang magdidirek para sa musical sitcom na “Kesaya-Saya” dahil nga si Vina ang leading lady.

Inamin ni Robin na baka hindi siya makaarte dahil nga si Mariel ang nasa likod ng camera. Humagalpak ng tawa si Mariel kaya tinanong siya ng asawa, “Hindi ko alam kung kailan ka natutuwa o naiinis?”

“Sabi ko naman sa ‘yo, sa akin okay lang naman (kasama si Vina), ikaw ang magdirek, ako na lang mag-capture,” sagot ni Mariel kay Robin.

“Paano ko ididirek ‘yun kung ikaw ang ka-capture?” balik-tanong ni Robin sa asawa.

At dahil ayaw ni Robin magdirek ay kinausap niya ang manager niyang si Betchay Vidanes para mag-direk, “Bin, hindi ako puwedeng magdirek kasi baka mauna pa akong kiligin (sa kanila ni Vina).”

Sa parte naman ni Vina ay nae-excite siya kasi matagal na silang hindi nagkita ni Robin pero na-stress siya dahil kailangan makita ang sweetness nila sa screen.

“Nakaka-stress kasi dapat makita ‘yung rapport namin ni Robin, ‘yung sweetness tapos si Mariel ang kukuha ng video. Ha-hahaha! Exciting,” natatawang sabi ni Vina.

Nagsimula na nga ang shooting at inaalalayan ni Robin si Vina sa pagbigay ng upuan, at kunwari dinner date ang eksena ng biglang bumahing si Mariel kaya nagulat ang dalawa, “Sorry, hindi ko napigilan” kaya nagkatawanan ang lahat.

Ang nakakatawang parte pa ay nang mag-duet sina Robin at Vina ng kanilang theme song na “Miss Na Miss Kita” na naging soundtrack ng pelikula nilang “Utol Kong Hoodlum” na ipinalabas noong 1992.

Habang kumakanta ang dalawa at nakabantay si Betchay sa dalawa ay nakatalikod naman si Mariel at nakikikanta rin na parang umiiyak.

Lumalabas na si Mariel ang nagdirek kina Robin at Vina at ikinuwento niya na na-stress daw pala talaga ang aktres dahil nga sa first two scenes ay hindi pa sila relax at nakita na rin niya ang awkwardness.

“Dito na pumasok ang professionalism na at the end of the day, this is work!  We are here to entertain people and susunod tayo doon sa script at kung ano ‘yung magpapasaya, magpapakilig, it’s a love team.

“Kasi siyempre, sanay ako na ako lang ang pinagsisilbihan ng asawa ko, ako at saka mga anak ko. Tapos may mga times du’n na sa akin pa niya sasabihin, ‘o, si Vina ba nakatayo?’ Alam mo ‘yun?

“Tapos, ‘o, electric fan ni Vina.’ Alam mo ‘yun? Pero at the same time inisip ko ganu’n siya talaga how he treats his leading ladies and Vina is a leading lady and we were at a work environment and my role at that time was a crew member/owner of the house. Ha-hahaha! Di ba?” tumatawang kuwento pa ni Mariel.

Nabanggit din ni Mariel na siya ang nag-suggest kay Robin na kunin niya si Vina as leading lady sa Maalaala Mo Kaya” at pelikulang “Bonifacio.”

“Because I believe in the loveteam!  I believe in that loveteam that works and siyempre we are in this industry of entertaining people and that’s people want to see and will give them,” pahayag ni Mariel.

Samantala, dati pa sinasabi sa amin ng maybahay ni Robin na wala siyang isyu sa mga ex ng asawa niya, lahat sila ay okay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May binanggit kaming pangalan ng isa sa nakarelasyon ni Robin na puwede ring maka-work ng aktor at ang sagot ni Mariel, “Okay siya, okay din kay _____ (ibang pangalan) at okay din kay Ate ____ (iba uling pangalan).

Nakakatuwa si Mariel dahil sabi nga niya, dapat pairalin ang peace, friendship at professionalism.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending