Sanya may nadiskubre agad kay Gabby; Alice, Andrea, Bianca pasabog ang 'wedding photo' | Bandera

Sanya may nadiskubre agad kay Gabby; Alice, Andrea, Bianca pasabog ang ‘wedding photo’

Ervin Santiago - December 08, 2020 - 09:28 AM

SUMABAK na sa lock-in taping last week ang cast members ng inaabangang Kapuso teleserye na “Legal Wives.”

Ngayon pa lang ay mainit nang pinag-uusapan sa social media ang upcoming cultural drama series ng GMA 7.

Bukod kasi sa bigating Kapuso stars na bibida rito, kapansin-pansin din sa inilabas na behind-the-scenes photos ng productiom na talagang pinaghahandaan ang bawat detalye ng programa.

Sa mga litratong kuha mula sa lock-in taping ng serye, makikita ang tatlong Kapuso actress na sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali na nakasuot ng pangkasal. Kasama rin nila si Kapuso Drama King Dennis Trillo na gaganap bilang kanilang asawa.

Ang natatanging serye ay iikot sa karakter ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca) dahil sa magkakaibang rason.

Mula sa direksyon ni Zig Dulay, kasama rin sa “Legal Wives” ang beteranang aktres na si Cherie Gil, Shayne Sava at Adbul Raman, Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, Juan Rodrigo at Irma Adlawan.

* * *

Kinakiligan ng netizens ang ibinahaging litrato ni Gabby Concepcion kasama ang kanyang leading lady na si Sanya Lopez mula sa lock-in taping ng kanilang upcoming Kapuso series na “First Yaya.”

Aprub na aprub na agad sa netizens ang fresh team up nina Sanya at Gabby. Sabi nga ng isang fan, “Yes! So excited for this tandem, may chemistry! Can’t wait for March!”

Hindi rin daw inakala ni Sanya na mabilis silang magiging komportable ni Gabby sa isa’t isa, “Na-discover ko na mabilis mag-adjust si kuya Gabby. Magaling siyang makisama.

“Of course, Mr. Gabby Concepcion! Ang akala ko sa kanya, veteran so parang hindi niya ako agad mapapansin, pero sobrang bait,” paglalarawan ni Sanya kay Gabby.

Humanga naman si Gabby sa professionalism na ipinapakita ni Sanya, “Masarap siyang katrabaho kasi professional. She deserves ‘yung 2.9 million talaga sa Instagram. Ang daming followers nito, talagang mahal na mahal siya,” ani Gabby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “First Yaya” simula March, 2021 sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending