Sagot ni Elias nang tanungin ni Ellen ng, who's your papa: 'Papa P!' | Bandera

Sagot ni Elias nang tanungin ni Ellen ng, who’s your papa: ‘Papa P!’

Ervin Santiago - December 08, 2020 - 09:22 AM

ALIW na aliw ang dating sexy actress na si Ellen Adarna sa mga bagong paandar ng anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias.

Muling nakapag-bonding nang bonggang-bongga ang mag-ina matapos makumpleto ni Ellen ang kanyang mental training sa Bali, Indonesia.

Siyempre, miss na miss niya ang anak kaya naman super bonding sila nitong mga nakaraang araw at sinusulit ang bawat oras na magkasama sila.

Isa sa mga ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram followers ay ang nakakalokang audio clip kung saan kinakausap niya si Elias.

Tinanong niya ang bagets ng, “What’s your papa’s name?” Ang sagot agad sa kanya ni Elias ay “Piolo” na ikinaloka talaga ng celebrity mom.

Sinabihan niya ang bata na mali ang kanyang sagot. Kaya naman muli niya itong tinanong habang nakasakay sila ng kotse.

“Who’s your papa?” tanong uli ni Ellen kay Elias. Pero talagang iisa ang sagot ng bagets, “Papa P.”

Tinag ng aktres si Piolo Pascual sa ipinost niyang IG Stories kalakip ang laughing emojis at isang GIF ng aktor na may nakalagay na “OK!”

Nilagyan din niya ito ng caption na, “Hala Papa P, ikaw daw ang ama. Looool!” at sinundan pa ng, “John Lloyd left the group chat” with laughing emoji.

Si Ellen ang laging kasama ngayon ni Elias pero may co-parenting setup naman sila ni John Lloyd. Ayon kay Ellen, twice a week nakakasama ni Lloydie ang kanilang anak na magtatatlong-taong gulang na ngayon.

Nagdesisyon si Ellen na huwag munang bumalik sa showbiz para matutukan niya ang pag-aalaga kay Elias, “I want to be with my son in his formative years. I’m a very hands-on mom.”

Samantala, may balita naman na very soon ay mapapanood na uli ang ex partner ni John Lloyd sa TV sa pamamagitan ng isang sitcom.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending