CLAUDINE inggit na inggit kina RANDY at RAYMART kaya dakdak nang dakdak
Siguradong ngingitian lang ni Randy Santiago ang mga ginagawang patutsada sa kanya ngayon ni Claudine Barretto. Taglay ng mga Santiago ang pagiging marespeto sa mga kababaihan.
Nakausap namin ang mga TV reporters na pinagbigyan ng panayam ni Randy nu’ng ganapin ang presscon para sa pelikulang idinirek niya at nalinawan namin ang kuwento kung paano siya nagbigay ng komento tungkol sa nagaganap na away ngayon sa pagitan ng kanyang kapatid na si Raymart at ni Claudine.
Ayon sa mga kuwentong nakarating sa amin ay hindi si Randy ang kusang nagpainterbyu, siya ang hinabol-habol ng mga reporters para mahingan ng komento, wala nang nagawa ang singer kundi ang magsalita na lang.
Napanood namin ang kanyang panayam, hindi niya naman siniraan si Claudine, kahit idinepensa niya si Raymart bilang kapatid ay ginawa pa rin ‘yun ni Randy sa maayos na paraan.
“In fact, ayaw niya talagang magsalita. Ang reason niya, e, problemang mag-asawa raw ‘yun na sina Raymart at Claudine lang ang makaka-solve, pero ang mga TV reporters ang talagang hindi nang-iwan sa kanya.
“Nagsalita siya, pero hindi naman siya nagsabi ng mga salitang makasisira kay Claudine. Ang sinabi lang niya, as a brother to Raymart, e, hindi kayang gawin ng kapatid niya ang mga accusations ni Claudine.
“Ano naman ang masama du’n, meron ba? Kung sana, e, nagsalita siya against Claudine, kung sana, e, ipinagtanggol niya si Raymart nang si Claudine ang inilalaglag niya.
Kaya she has no reason to say na asikasuhin na lang ni Randy ang buhay niya huwag daw siyang binu-bully ni Randy.
“Binu-bully? Ano bang pambu-bully ang ginagawa sa kanya ni Randy?
Masakit siguro ang loob ni Claudine dahil may kapatid si Raymart na nagtatanggol sa kanya, samantalang siya, e, kaaway niya ang mga kapatid niya!” madiing paghahambing pa ng aming source. Sapul ang pako sa ulo!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.