LOOK: Plano para sa itatayong Metro Manila Subway
Nilagdaan na nitong Biyernes, Disyembre 4, ang kasunduan na nagpapahintulot sa Department of Transportation (DOTr) na gamitin ang lupain ng Department of National Defense (DND) para sa itatayong Metro Manila Subway.
Ang kasunduan ay nilagdaan nina Defense Secretary Delfin Lorenza at Transportation Secretary Arthur Tugade.
Ayon kay Tugade, tuloy na tuloy na ang pagtatayo ng subway station na layong gawing kumportable ang pag-commute ng publiko.
Target ng pamahalaan na sa taong 2022 ay mayroon nang partial operations ang Metro Manila Subway sa apat nitong istasyon.
Kabilang dito ang mga istasyon sa:
•East Valenzuela Station
•Quirino Highway Station
•Tandang Sora Station
•North Avenue Station
Nakatakda naman ang full section operation ng subway sa 2026 kung saan magagamit na ang underground railway system mula Valenzuela hanggang NAIA Terminal 3.
Sa sandaling maging operational na magiging 32 minuto na lamang ang biyahe mula Quezon City hanggang Parañaque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.