SB19 pasok sa Top 10 ng Billboard Top Social 50 Artists of 2020
PINATUNAYAN ng sikat na sikat na ngayong P-Pop group na SB19 na pang-international na talaga ang datingan ng kanilang powers!
Isa na namang bonggang achievement ang nakuha ng grupo bago pa magpaalam ang taon matapos mapasama sa Top 10 ng Billboard’s Social 50 charts for 2020.
Pasok sa 6th spot ng Billboard’s top Social 50 artists of 2020 ang SB19 na binubuo nina Josh, Sejun, Stell, Ken at Justin.
Sila ang kaisa-isang Filipino act na napasama sa nasabing year-end list kaya naman talagang nagpipiyesta ngayon ang milyun-milyon nilang fans all over the universe.
Base sa announcement ng Billboard sa Twitter, nanguna sa listahan ang K-Pop group na BTS, pumangalawa ang EXO at nasa ikatlong pwesto naman ang NCT 127.
Pasok sa 4th spot ang American star na si Ariana Grande at panglima naman sa listahan ang SEVENTEEN.
Nasa ikapitong pwesto ang TOMORROW X TOGETHER (TXT) na sinundan ng ATEEZ sa 8th spot habang nasa 9th place ang BLACKPINK at ika-10 si Billie Eilish.
Ayon sa Billboard, ang kanilang year-end music recaps ay mula sa datos ng Nielsen Music/MRC Data.
Sa official Instagram page ng SB19 naka-post ang Top 10 list na may caption na, “#SB19 ranked at the 6th spot of the Billboard’s top Social 50 artists of 2020 — making them the first Southeast Asian act to enter the chart!”
But wait, there’s more! Bukod sa nabanggit na pagkilala, nag-number one rin ang kanta ng grupo na “Tilaluha” sa LyricFind Global chart.
“Namamayagpag pa rin! SB19’s ‘Tilaluha’ debuts at #1 on Billboard LyricFind Global and ‘Hanggang Sa Huli’ peaks at #3 on its 4th week! #8 naman tayo this week sa Billboard Social 50 on its 50th week!
“Maraming maraming salamat po sa pagmamahal sa musikang Pilipino at sa aming grupo,” ang mensahe ng SB19 sa kanilang social media accounts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.