‘The Prayer’ ni Marcelito top trending YouTube video of the year sa Pinas; Ivana top content creator
DAHIL sa mahigit 45 million views na nakuha ng viral performance ni Marcelito Pomoy sa “America’s Got Talent”, ito ang itinanghal na top trending YouTube video of the year sa Pilipinas.
Ito yung kinanta ni Marcelito ala-Doble Kara ang classic duet na “The Prayer” nina Celine Dion at Andrea Bocelli sa “AGT” battle of the champions.
In-announce ng YouTube ang Top 10 viral videos of 2020 kamakalawa at ang viral video nga ng award-winning singer ang nag-number one sa listahan na in-upload noong January.
https://www.youtube.com/watch?v=hcgvYr2nlrk
Pumangalawa naman sa kanya ang Kapamilya sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi na siya ring may pinakamaraming video na nakapasok sa Top 10 with three entries.
Ang collaboration nila ng broadcaster at TV host na si Raffy Tulfo ang nasa second spot habang ang video naman nila ni Alex Gonzaga ang pumangatlo. Ang viral “boyfriend prank” video naman ni Ivana ang nasa fourth place.
Ang lima pang pumasok sa Top 10 trending YouTube video of the year sa bansa ay ang video ni Kween Mother, ang nanay ng yumaong YouTube star na si Lloyd Cadena.
Nasa ikaanim na pwesto naman ang vlog ni Emman Nimendez kung saan inamin niya na meron siyang cancer na sinundan ng prank video mula sa Ja Mill sa 7th spot.
Ang proposal video naman sa Junnie Boy YouTube channel ang nasa ikawalong pwesto at ikasiyam ang prank video ni Jak Roberto kasama ang kapatid na si Sanya Lopez. Pangsampu ang challenge video mula kay Zeinab Harake.
Samantala, in-announce din ng YouTube na si Ivana Alawi ang top content creator sa Philippines last year, kasunod ang lifestyle vlogger na si Zeinab Harake at si Lincoln Velazquez o mas kilala bilang Cong TV.
Ang iba pang nasa listahan ng YT top creators ay ang Ja Mill, Alex Gonzaga Official, ChoOx TV, Jelai Andres, Viy Cortez, Donnalyn Bartolome at Jomar Lovena.
Narito naman ang Top 10 Breakout Creators:
- Cong TV
- Viy Cortez
- Jomar Lovena
- Junnie Boy
- Kathryn Bernardo
- Boss Keng
- Vien
- Leti Sha
- EmmanNimedezTV
- Donekla in Tandem
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.