Sylvia nilalabanan ang takot sa COVID; muling magpapa-swab test para sa bagong teleserye | Bandera

Sylvia nilalabanan ang takot sa COVID; muling magpapa-swab test para sa bagong teleserye

Reggee Bonoan - December 03, 2020 - 02:29 PM
HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay nakatakdang magpa-swab test si Sylvia Sanchez para sa 20-day-lock-in taping ng bagong teleseryeng gagawin mula sa Dreamscape Entertainment.

Aksidenteng nagkita kami ni Sylvia nitong Miyerkoles ng gabi sa isang supermarket dahil namili siya para sa iiwanan niyang supplies sa kanilang bahay.

Matagal kasi siyang mawawala at nabanggit niya na ngayong araw naka-schedule ang swab test niya pagkatapos ng 14 day-quarantine.

Kung walang pagbabago ay bukas, Dis. 4, ang biyahe ni Sylvia pa-South dahil doon ang location ng taping ng kanyang serye kasama sina Eula Valdez, Noni Buencamino at ang Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri and Francine Diaz sa direksyon ni Manny Palo.

Masayang ikinuwento ng aktres na challenge sa kanya ang gagampanan niyang karakter sa bagong serye na ayaw munang ikuwento kung ano ito.

“Basta, abangan mo na lang para surprise. Hindi ko pa nagagawa ‘tong bagong role ko, basta iba, challenging, as in,” nakangiting sabi ng aktres.

Napapaisip tuloy kami kung ano pa ba ang hindi pa nagagawang karakter ni Ibyang na matsa-challenge siya dahil halos lahat ng role ay nagampanan na niya tulad ng taong-grasa sa “Maalaala Mo Kaya”, ilang beses na rin siyang naging mabuting nanay at lola sa mga serye.

Naging aswang na rin sa pelikulang “Nay” na ipinalabas noong 2017, naging adik na sa “Jesusa” noong 2019, lolang may Alzheimer’s sa teleseryeng “The Greatest Love” noong 2016, naging lesbian mom sa “The Trial” taong 2014 at itong latest niya sa “MMK” nila ng anak na si Arjo Atayde bilang namatayan ng doktor na anak na may COVID.

At kahit na anong pilit namin kay Sylvia ay ayaw talaga niyang ikuwento, maging ang titulo ng serye ay hindi rin niya binanggit.

Hindi na takot maglalabas si Ibyang ngayon kahit may pandemya pa rin at bilang COVID survivor ay kailangan niyang labanan ang anumang takot na nararamdaman.

‘’Wala kung iisipin ko kasi ‘yang si COVID, anong mangyayari?  Kelan ako magtatrabaho?  Ang daming walang trabaho, tapos ako may offer, so tanggapin, nagpapasalamat nga ako kasi pinagkakatiwalaan nila ako.

“Mag-iingat na lang siguro ako, at saka pabor din ako sa lock-in kasi lahat kami nagpa-swab, so meaning ligtas naman at grabe, sobrang higpit talaga ng ABS-CBN sa health protocols as in.

“Kahit negative kami lahat sa swab test, may social distancing, naka-face mask at face shield pa rin at pag kakain, bawal ang kuwentuhan at magkakalayo kayo. Nakaganda kasi 12 hours lang ang taping, so mahaba ang pahinga,” kuwento ng aktres.

Samantala, ang saya-saya ng aktres at super proud siya para sa anak na si Arjo dahil kasama ang binata bilang isa sa nominado sa kategoryang Best Actor sa Asian Academy Creative Awards 2020 na gaganapin sa Singapore bukas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang aktor ang napiling representative ng Pilipinas dahil sa napakahusay nitong pagganap sa TV series na “Bagman” bilang si Benjo Malaya, isang barbero na naging gobernador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending