Joseph Marco umamin sa tunay na challenge ng lock-in taping | Bandera

Joseph Marco umamin sa tunay na challenge ng lock-in taping

Ervin Santiago - December 03, 2020 - 09:11 AM
NAGUSTUHAN din ng Kapamilya hunk actor na si Joseph Marco ang pagte-taping under the new normal.

Isa sa mga dagdag na character si Joseph sa pinag-uusapang Kapamilya series na “Ang sa Iyo ay Akin” na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado.

Nagkuwento ang binata tungkol sa naging experience niya sa lock-in taping sa nakaraang virtual mediacon para sa second season ng kanilang serye.

“Two weeks kaming nag-tape two weeks ago and then two weeks break so nakapagpahinga talaga ako ng sobra and I’m so ready to work.

“Kakabasa ko lang ng bagong script namin and all I can say is wow, sobrang excited ako for that. I can’t wait for everyone to see all the episodes namin,” chika ni Joseph.

Bumilib din siya sa istriktong pagpapatupad ng health and safety precautions sa kanilang location para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng nasa production.

“Ang maganda naman kasi dito sa lock-in, it’s such a great team. Very inspiring lahat ng tao. Ang bait nila, ang gaan katrabaho, and the challenge here is yung being away from your loved ones.

“Yun yung pinaka-challenge dito. Yung wala ka sa bahay mo, wala ka sa comfort zone mo, and nandito kami to really work and to focus with the project.

“I think maganda siya for characterization kasi talagang for two weeks ikaw yung character na yun. So dalang-dala mo yun. Walang risk of distraction na outside world and with the family and stuff, so talagang okay siya for me,” magandang paliwanag pa ng aktor.

Naikuwento rin niya na marami siyang natutunan sa ginawa niyang crime thriller series na “The Bridge” na kinunan pa sa Malaysia at naia-apply daw niya ang mga ito ngayon sa bago niyang teleserye.

“The way they did it, talagang nag-co-collab sila, talagang open sila to suggestions and nakaka-inspire lang.

“Ako naman kasi, when I see something effective I always apply it. Yung mga bagay na natutunan ko abroad, I apply it especially here kasi it’s been parang almost eight months din last akong umarte in front of the camera and lahat ng natutunan ko du’n, ito yung unang show na nagamit ko siya,” pahayag pa ni Joseph.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi muna nagdetalye ang binata tungkol sa magiging karakter niya sa “Ang sa Iyo ay Akin”, “There’s so much I want to say about my character pero I can’t say. Madaming revelations sa character so I don’t want to say anything.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending