Halos 12 mambabatas sangkot sa katiwalian sa DPWH, ayon sa PACC
Halos 12 kongresista ang kabilang sa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ng mga opisyal ng gubyerno na umano’y sangkot sa katiwalian sa Department of Works and Highways (DPWH).
Ito ang ipinahayag ni PACC Commissioner Greco Belgica kamakailan, at sinabi pa niya na ang pangalan ng mga mambabatas ay isunumite na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“Yung exact number is less than 12 ang alam kong na-i-submit sa Pangulo na nakita namin after validation. Kailangan talaga maimbestigahan ito ng pormal,” wika ni Belgica sa panayam ng CNN Philippines’ “The Source.”
“We need solid evidence, we need probably forensic,” dagdag niya.
“Meron pong nagsasabi, example, na paulit-ulit na pino-pondohan na tulay. Mayroon sinasabi na ghost project. Mayroon nagsabi na siya mismo ang hinihingian [ng kickback],” ani Belgica.
Nakakatanggap ng 10 porsyento hanggang 15 porsyentong komisyon ang mga kongresista sa mga infrastructure projects na ginagawa ng DPWH, ani Belgica.
At saa laki ng komisyon ng mga kongresista sa mga proyekto bukod pa sa porsiyento din ng mga tiwaling DPWH officials, mga contractor at district engineers, sinabi ni Belgica na halos 50 porsyento na lang ang napupunta sa project cost na syang dahilan kung bakit maraming substandard na mga proyekto.
Nauna nang sinabi ni Duterte na nabigyan na siya ng buong listahan ng mga taong sangkot sa umano’y anomalya sa DPWH.
Pero hindi niya umano papangalanan ang mga mambabatas na nasa PACC report dahil hindi sila saklaw ang ehekutibo. Sa halip, sinabi ni Duterte na isasangguni niya ang natanggap na impormasyon sa Office of the Ombudsman.
Ganito rin ang sinabi ni Belgica na ang PACC ay hindi maaaring mag-imbistiga sa mga mambabatas.
“The PACC is only authorized to investigate presidential appointees. Our authority is to help the President investigate corrupt presidential appointees,” wika niya.
“And we are only authorized to recommend to him necessary charges that can be done,” dagdag ni Belgica.
Sinabi ni Belgica na makikipagtulungan ang PACC sa Office of the Ombudsman kung kinakailangan para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga corrupt na mambabatas.
Mula sa ulat ni Katrina Hallare ng INQUIRER.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.