Ano ang napanood ni Kim na naging dahilan ng bigla niyang pag-iyak? | Bandera

Ano ang napanood ni Kim na naging dahilan ng bigla niyang pag-iyak?

Ervin Santiago |December 02,2020
facebook
share this

Ano ang napanood ni Kim na naging dahilan ng bigla niyang pag-iyak?

Ervin Santiago - December 02, 2020 - 12:26 PM

IYAK nang iyak ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu matapos mapanood ang trailer ng bago niyang proyekto.

Hindi napigilan ng dalaga ang maging emosyonal nang ipakita sa kanya ang first teaser para sa “Bawal Lumabas” series.

Ito ay inspired ng hit song niyang “Bawal Lumabas” na ibinase naman sa trending at viral statement niya sa #LabanKapamilya Facebook live streaming rally noong nakaraang Mayo.

Ipinost ni Kim sa kanyang Instagram account ang isang video kung saan makikita nga ang naging reaksyon niya matapos mapanood ang trailer ng bago niyang serye.

“Parang nag flashback lahat! #BawalLumabas. Eto kami ni ate @haidzfernandez (her makeup artist) kanina after mapanood ang trailer ng #BawalLumabasTheSeries thank you ate Haidz sa video na ‘to! Pati tuloy ikaw! Iyak tawa ang naramdamdam namin,” ang caption ni Kim sa maikling video clip.

Sa isa pa niyang post, nagpasalamat muli ang aktres sa lahat ng nagmamahal sa kanya at sa mga taong hindi siya iniwan noong down na down siya dahil sa matinding pamba-bash ng mga netizens.

“Nag-flashback skin lahat simula nag start ang bawal lumabas. Maraming salamat po @montie08 and sa @dreamscapeph @iwanttfc @kreativden sa opportunity na ito. One mistake won’t define you as a person,” mensahe ni Kim.

Pagpapatuloy pa ng girlfriend ni Xian Lim, “When you make a ‘mistake’, don’t look back at it long. Take the reason of the thing into your mind and then look forward. ‘Mistakes’ are lessons of wisdom. The past cannot be changed. The future is yet in your power.

“Kasama ko kayo sa journey na to sana sa pag tatapos ng taon samahan niyo pa din ako. #BawalLumabasTheSeries ngayong December 14 na sa iWant TFC,️ maraming salamat po. Let’s all be MERRY THIS CHRISTMAS,” lahad pa ng “Showtime” host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin ni Kim sa “The Bawal Lumabas” series sina Rafael Rosell, Francine Diaz, Kyle Echarri, Paulo Angeles at Trina Legaspi, sa direksyon ni Benedict Mique.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending