Ina Feleo nagpakasal na sa dyowang Italian; 20 lang ang imbitadong guest | Bandera

Ina Feleo nagpakasal na sa dyowang Italian; 20 lang ang imbitadong guest

Ervin Santiago |December 02,2020
facebook
share this

Ina Feleo nagpakasal na sa dyowang Italian; 20 lang ang imbitadong guest

Ervin Santiago - December 02, 2020 - 11:58 AM
SA kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa, itinuloy pa rin ng Kapuso actress na si Ina Feleo ang pagpapakasal sa kanyang Italian boyfriend na si Giacomo Gervasutti.

Naganap ang kanilang intimate wedding kahapon sa Pinto Art Museum sa Antipolo City na dinaluhan din ng kanilang respective families.

Umabot lamang sa 20 katao ang dumalo sa kasal ni Ina kabilang na ang kanyang ina, ang award-winning actress-director na si Laurice Guileen at ang tatay ni Giacomo na talagang pumunta pa sa Pilipinas mula sa Italy.

Bukod sa pamilya ng “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” actress, present din sa naganap na kasalan ang ilang malalapit na kaibigan ng bagong kasal.

Siniguro naman ng organizers ng wedding nina Ina na istriktong nasunod ang lahat ng ipinatutupad na health at safety protocols during the wedding ceremony kabilang na ang social distancing.

Ilang litrato na kuha sa naganap na kasalan ang ipinost ng non-showbiz best friend ng bride na si Rommel dela Cruz kung saan makikita ang hiwa-hiwalay na lamesa at upuan sa venue.

Para naman sa iba pa nilang mga kapamilya at kaibigan na wala sa mismong wedding, nag-set up din ang bagong kasal ng live-streaming para masaksihan din nila ang espesyal na araw ng aktres at ng husband nito.

Bago pa ang wedding, sinabi na ng Kapuso actress na talagang 20 lang ang inimbita nila, “Ang ginawa ko, namili lang talaga ako ng parang one from this family, another from this, and one from the film industry. So 20, ‘yun na ‘yung parang maximum na.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending