Tekla ayaw munang magkadyowa: Sobrang double dead ang puso ko, nasaktan, nayurak | Bandera

Tekla ayaw munang magkadyowa: Sobrang double dead ang puso ko, nasaktan, nayurak

Ervin Santiago |December 02,2020
facebook
share this

Tekla ayaw munang magkadyowa: Sobrang double dead ang puso ko, nasaktan, nayurak

Ervin Santiago - December 02, 2020 - 09:16 AM
“MAGIGING malamig…malamig na malamig!” Yan daw ang magiging Pasko ni Super Tekla pagdating sa usapin ng pag-ibig.

Ayon sa Kapuso comedian-TV host, ipapahinga muna niya ang kanyang puso matapos silang maghiwalay ng dating live-in partner na si Michelle Bana-ag.

Para kay Tekla, o Romeo Librada sa tunay na buhay, pagtutuunan muna niya ngayon ang pagtatrabaho para na rin sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang dalawang anak.

“Honestly, magiging malamig. Malamig na malamig ang Pasko. Pero hindi naman malamig na may lungkot, siyempre that’s normal, kasi ipapahinga ko muna yung puso ko,” pahayag ni Tekla sa nakaraang episode ng “The Boobay And Tekla Show” (TBATS).

Sa tanong ng co-host niyang si Boobay sa “TBATS”, paano siya magse-celebrate ng Pasko this year, ani Tekla, “Kaya namang painitin ang malamig na Pasko sa pamamagitan ng mga tao na umaasa sa akin.”

Sey pa ng komedyante, “Honestly, ayaw ko namang maging ipokrito, ayaw ko naman maging robot kasi I’m a human being. Pero sa ngayon, as in kasi kapag ako magmahal, ako matatag, mahaba, no matter what.

“Kahit anumang sakripisyo ang pagdadaanan ko, susuungin ko as long as minahal ko siya, naitatawid ko ‘yan. Pero sa nangyari, talagang sobrang-sobrang double dead yung puso ko na. Sobrang nasaktan, sobrang nayurak.

“It’s time, healing process muna kasi, at saka naniniwala ako na ang gamot sa sugatang puso ay hindi pag-ibig.

“Pero in a way talaga na maraming klaseng pag-ibig, e, ang pwede mong i-offer para mag-heal yung heart mo,” paliwanag ng Kapusp comedian.

“It takes time kasi darating din naman yung ano, e. Mahirap kasi iano mo uli ang puso mo na sugatan pa, nasa healing process ka pa, tapos papasok ka na uli ng relasyon, so another adjustment.

“Ipalagay ko muna ang puso ko na maging matibay siya ulit kahit sugatan pa siya,” lahad pa ni Tekla.

Samantala, miss na miss na raw niya ang anak nila ni Michelle na si Baby Angelo dahil naiwan nga ito sa kanyang ina.

“Oo, ma-miss ko siya, kasi wala siya sa piling ko, e. Alam mo kung sino? Ayaw kong umiyak, kasi iniyak ko na lahat, e.

“Pero yun ang pinakanami-miss ko talaga, kasi hindi ko alam kung paano siya mag-stand kasi napakamurang edad pa niya.

“Hindi ko alam kung maibibigay talaga ang tamang care for him. Na sana nandun ako. Na from time to time, gaya ng ginawa ko, first month nung nasa hospital siya. Lahat ng oras nakakatutok ako.

“Yung ngayon, hindi ko na siya pwedeng gawin kasi dahil sa nangyari. Kasi dati, in two months na na-save ko siya, wala ako ni isang minuto na pinalagpas na ibinigay sa kanya, kahit anong puyat ko, kahit anong pagod ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siya ang mami-miss ko nang sobra. Kaya para hindi ako masaktan, hindi ko siya kinakausap kasi madudurog lang lalo ang puso ko,” emosyonal pang pahayag ni Tekla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending