Hiling ni Assunta para kay Baby Fiore: Sana wag siyang lumaking maldita o pasaway | Bandera

Hiling ni Assunta para kay Baby Fiore: Sana wag siyang lumaking maldita o pasaway

Ervin Santiago |November 30,2020
facebook
share this

Hiling ni Assunta para kay Baby Fiore: Sana wag siyang lumaking maldita o pasaway

Ervin Santiago - November 30, 2020 - 11:45 AM

HINDI mapigilan ni Assunta de Rossi ang maging emosyonal sa tuwing mapag-uusapan ang pagsilang ng kanyang “miracle baby.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang aktres na ang matagal na nilang hinihiling ng asawang si Jules Ledesma ay ibinigay na rin sa kanila ng Diyos.

Makalipas nga ang halos 17 years, isa nang ganap na mommy si Assunta matapos isilang noong Oct. 23 via Caesarian section ang panganay na anak.

Isang himala ngang maituturing ang pagbubuntis ni Assunta at ang pagsilang kay Baby Fiore sa panahong hindi nila inaasahang mangyayari.

Aniya, pagkatapos ng ilang In Vitro Fertilization (IVF) procedures na hindi naging matagumpay, ay bigla na lang siyang nabuntis sa natural na pamamaraan.

“‘Yung feeling mo, nawawalan ka rin ng time. Kasi siyempre 37 na ako ‘eh. Ano pa ba, maghahabol pa ba ako? What else do I have to do?

“Mag-a-abroad na ba kami tapos kukuha na lang kami ng surrogate? Kasi gusto talaga namin biological eh,” pahayag ni Assunta sa panayam ng GMA.

Naiyak naman ang sister ni Alessandra de Rossi nang hingan ng mensahe para sa kanyang bagong silang na baby.

Una, nag-promise siya na magiging mabuting ina kay Baby Fiore at gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng bagets.

“I hope she knows how much we wanted her.

“Sana huwag siyang lalaking matigas ang ulo, sana huwag siyang lalaking maldita o pasaway.

“I really did promise God that I will really love her and I will raise her to be God-fearing.

“Nu’ng nag-one month siya I was so, so, so emotional kasi sabi ko ‘Hindi ako makapaniwala pa rin until now na nanggaling siya sa akin.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And I just love her. Mahal na mahal namin siyang lahat. Iba ‘yung happiness na nadala niya,” tuluy-tuloy na pahayag ni Assunta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending