Bwelta ng bassist ng Slapshock sa GF ni Jamir: Wag mong ipasa ang galit sa amin o maghanap ng sisisihin | Bandera

Bwelta ng bassist ng Slapshock sa GF ni Jamir: Wag mong ipasa ang galit sa amin o maghanap ng sisisihin

Ervin Santiago - November 30, 2020 - 09:31 AM

SUMAKABILANG-BUHAY na ang Slapshock vocalist na si Jamir Garcia pero mukhang hindi pa rito matatapos ang kuwento tungkol sa kanyang pagkamatay.

Magkasunod na nagsalita ang partner ni Jamir na si Jaya Crisostomo at ang bassist noon ng kanilang banda na si Lee Nadela sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang Facebook live last Friday sinabi ni Jaya na nais niyang ibandera ang katotohanang bumabalot sa pagkamatay ni Jamir ngunit napakahirap daw gawin.

“Patawad mga kaibigan. Gusto ko sana ikwento ang buong pangyayari, akala ko kaya ko! Pero mahirap pala.

“Gusto ko lang sana talaga ipagtanggol si Jamir, at linawin ang lahat. Pero mas naramdaman kong mas magiging masaya siya kung aalalahanin na lang natin ang masasayang nagawa niya,” ani Jaya.

Patuloy pa niya, “Hindi niya deserve ang nangyari sa kanya. Sinira siya ng mga taong inggit, pero hanggang sa huling hininga, kayo pa din ang pinrotektahan niya.”

Pero naniniwala pa rin daw siyang, “Lalabas din ang katotohanan. Hindi habangbuhay maghahari-harian ang kasamaan niyo.”

“Alam niyo kung sino kayo mahal na mahal kayo ni Jamir, pero anong ginawa niyo sa kanya?” lahad pa ni Jaya.

Kasunod nito, naglabas din ng saloobin ang kabanda ni Jamir na si Lee sa kanyang Facebook, “I am deeply saddened over the tragedy that happened to my friend and bandmate Jamir Garcia.

“We may have had differences, pero mas mahaba at mas marami kaming mabuting pinagsamahan for 23 years.

“Mahal ko siya na parang kapatid at nalungkot ako na ito ang pinili niyang paraan,” unang bahagi ng FB post ni Lee.

Pagpapatuloy pa niya, “God knows wala sa isip ko na sa ganito hahantong ang lahat.”

Sinagot din niya ang naging pahayag ni Jaya, “Please don’t accuse me and Jerry Basco of wrongdoing, when we were just speaking out the truth and the injustice done to us.

“Huwag mo sanang gawing galit ang lungkot na nararamdaman nating lahat, at ipasa ang galit sa amin o maghanap ng sisisihin.

“Jaya, ang mga binitiwan mong salita against us ay walang basehan. Either tinatago mo ang katotohanan or wala kang alam at all sa nangyari sa band namin. Kung sinasabi mong may evidence ka rin na hawak, sabay nating ilabas.

Aniya pa, “With all due respect to Jamir and family, we will mourn his passing. Rest in Peace, pare, Jamir.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumanaw ang Slapshock frontman noong Huwebes sa edad 42. Natagpuan ang kanyang katawan sa comfort room ng bahay nila sa Quezon City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending