Paolo nakatanggap ng 'pamana' mula sa yumaong bokalista ng Slapshock | Bandera

Paolo nakatanggap ng ‘pamana’ mula sa yumaong bokalista ng Slapshock

Ervin Santiago |May 27,2021
facebook
share this

Paolo nakatanggap ng ‘pamana’ mula sa yumaong bokalista ng Slapshock

Ervin Santiago - May 27, 2021 - 09:55 AM

“PINAMANAHAN” ng yumaong frontman ng bandang Slapshock na si Jamir Garcia ang Kapuso actor at TV host na si Paolo Contis.

Sa mga hindi pa nakakaalam, isa si Paolo sa ilang malalapit na kaibigan ni Jamir sa entertainment industry kaya naman talagang basag ang puso ng aktor nang mamaalam ang singer.

Ninong din ang bokalista ng Slapshock ng anal nina Paolo at LJ Reyes na si Summer Ayanna.

At dahil nga sa sobrang closeness ng magkaibigan, isang bonggang pamana ang natanggap niya mula sa kanyang namatay na kumpare.

Ibinalita ni Paolo sa kanyang social media followers na sa kanya ibinigay ng misis ni Jamir na si Jaya Garcia ang pag-aaring motorsiklo ng singer (Honda Ruckus).

Ipinost ng Kapuso star sa Instagram ang litrato niya habang nakasakay sa nasibing motorsiklo na may caption na, “This was my kumpare’s toy… and now, nasa akin na siya.. thank you @mommy_jaya at sa akin mo ito pinag katiwala. Aalagaan ko to promise!”

Sabi pa ng isa sa mga kilalang celebrity motorcycle enthusiast, “Bro, sayang hindi natin nagawang mag-ride ng magkasama… pakiusap ko lang sana sa ‘yo, huwag kang aangkas sa likod ko ‘pag gamit ko ‘tong motor ha! miss you brotha!”

Nagulat ang mga kaibigan at tagasuporta ni Jamir nang mapabalitang pumanaw na ang singer matapos matagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Sangandaan, Project 8 noong Nov. 26, 2020.

Naisugod pa sa si Jamir sa Metro North Medical Center Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending