USA waging-wagi sa virtual 2020 Miss Earth pageant
NAGWAGI si Lindsey Coffey ng Estados Unidos sa ika-20 edisyon ng Miss Earth pageant na idinaos online bunsod na rin ng COVID-19 pandemic.
Sa isang virtual competition na ipinalabas noong Nob. 29, tinalo ni Coffey ang 83 iba pang kalahok, makaraan ang dalawang buwan ng mga preliminary competitionsl, auxiliary contest, at online discussion.
Itinanghal namang Miss Earth-Water si Roxanne Allison Baeyens ng Pilipinas.
Hinirang na Miss Earth-Air si Stephany Zreik ng Venezuela, habang Miss Earth-Fire si Michala Rubinstein ng Denmark.
Ang Philippine-based na Miss Earth pageant lang ang malaking international beauty contest na nagsagawa ng patimpalak ngayong taon.
Nauna nang nagkansela ng 2020 pageant ang Miss International at Miss World, at sa 2021 na magdaraos ng susunod na edisyon.
At kahit wala pang pormal na pahayag ang Miss Universe, inaasahan na ng maraming tagasubaybay na sa 2021 na idaraos ang susunod na edisyon nito sapagkat malapit nang matapos ang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.