Pwede akong maging Kapuso, Kapatid at Kapamilya
HINDI ni-renew ng GMA 7 ang kontrata ni Kris Bernal kaya nagdesisyon siyang lumipat na sa Cornerstone Entertainment.
Ito ang pahayag ng dalaga sa ginanap ba virtual vloggers presscon ng paglipat niya ng management ngayong hapon.
“Nag-expire ang contract ko with my network and nu’ng time na ire-renew ako parang siguro because of the pandemic din nagkaroon din issues with renewal.
“Hindi ako binigyan ng exclusive contract so, nagkaroon ako ng chance to work with different network and lahat po ay ipinaalam ko (GMA management).
“’Yun lang talaga ‘yung kuwento so since free ako to do iba’t ibang shows, free ako sa career ko nakikita nila ako sa ibang network (TV5) but it doesn’t mean na exclusive ako sa TV5, hindi po ako property o hawak din ng TV5 kaya puwede pa rin po akong lumabas sa GMA, at sa iba’t ibang channels kasi hindi ako exclusive with any network,” paliwanag ni Kris.
“Kung i-offer po ako ng network ko (GMA) ng contract, pipirma po ako talaga sa GMA pero habang wala pa po silang offer, nagtatrabaho po ako sa iba’t iba. Alam naman po nila iyon, wala akong isyu with my bosses,” pagtatapat ni Kris.
Aminadong sobrang nalungkot siya dahil nga 13 years din siyang nanatili sa GMA. Nilinaw ng aktres na hindi totoong wala siyang utang na loob dahil sabi nga niya, hindi siya ni-renew at may offer sa iba kaya siya tumanggap dahil sa hirap ng buhay ngayon na may pandemdya ay kailangan ng tao ang trabaho at isa na siya roon.
“Lahat po ng appearances ko ay ipinaalam ko sa GMA pati ‘yung soap sa TV5 (Ate ng Ate Ko). Tulad nga po ng sabi ko wala akong exclusive contract kaya puwede akong maging Kapuso, puwedeng maging Kapatid, puwede akong maging Kapamilya. ‘Yun po ang situation ko ngayon.
“Lahat po ng nangyari sa career ko ina-acknowledge ko sa GMA, kasi sa kanila po ako talaga nagsimula kaya anytime na bigyan nila ako ng trabaho, go game ako, diyan ako sa GMA,” diin ni Kris.
Sa kasalukuyan ay on-hold muna ang kasal ni Kris sa kanyang fiancé dahil mas priority niya ang career lalo’t freelancer siya.
“Tanggap muna ako nang tanggap ng trabaho lalo’t freelancer ako, pagdating sa wedding, okay naman pag ikinasal ako, nagkapamilya ako, gusto ko pa rin itong ginagawa ko, itong trabaho ko kahit na may businesses on the side ako,” sambit niya.
Isa pang dahilan kaya sa Cornerstone Entertainment nagpa-manage si Kris ay dahil gusto niyang makagawa ng pelikula at maka-work sina Piolo Pascual, Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, Iza Calzado at iba pang Kapamilya stars.
At sa Cornerstone artists ay gusto rin niyang makasama sina Sam Milby at Julia Montes at sa pagkanta sana mapasama raw siya sa concert ni Moira dela Torre at gusto rin niyang maka-duet si Catriona Gray sa “Sunday Noontime Live.”
“One of the reasons din kaya gusto ko ang Cornerstone kasi puro performers sila. Naisip ko pag may concert ‘yung singers nila baka puwede rin akong performers,” natawang sabi ng dalaga.
“Sa Cornerstone po kasi mas may chance ako to grow, maraming opprotunities na maibibigay sa akin,” sambit pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.