Maine Babaeng BiyaHero celebrity champion; tuloy ang laban para sa mga OFW | Bandera

Maine Babaeng BiyaHero celebrity champion; tuloy ang laban para sa mga OFW

Ervin Santiago - November 27, 2020 - 09:03 AM

MAS patitindihin pa ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza ang kanyang laban para sa kaligtasan at karapatan ng mga babaeng Overseas Filipino Workers.

Nangako ang Kapuso TV host-actress na patuloy ang kanyang adbokasiya para sa proteksyon ng female OFWs sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Nitong nagdaang Miyerkules ginanap ang International Day for the Elimination of Violence against Women (VAW) at nakibahagi nga rito ang Safe and Fair Philippines na isa sa nakikipaglaban para sa karapatan ng kababaihang OFW.

Isa si Maine sa matapang na nagsalita sa naganap na “Babaeng BiyaHero” Facebook live hosted by Suzi Abrera. Ipinost pa niya ito sa kanyang social media account para mas marami ang makapanood.

“Mga sis, samahan niyo ako bukas, November 25, 2020 at 8 p.m, para sa International Day for the Elimination of Violence Against Women — at sabay-sabay nating labanan ang karahasan sa mga kababaihan sa pamamagitan nang pag-alam at pagbabahagi ngimpormasyon tungkol sa mga mga karapatan at serbisyo na makakatulong sa ating mga Babaeng BiyaHero!”

Sa unang bahagi ng panayam, sinabi ni Maine na mahalagang maipaalam sa mga kababayan nating OFW ang kanilang mga karapatan habang nagtatrabaho sa ibang bansa.

“Malapit sa akin ang mga kababayan nating OFW. Marami sa aking mga tagahanga ay mga OFW din. Ngayon, nais ko naman magbalik-suporta sa kanila.

“At hindi lamang ako, tayo bilang isang komunidad ay maaari lahat tumulong at magbigay suporta,” pahayag ng dalaga na siya ngang napiling celebrity champion para  Safe and Fair Philippines.

“Being the Babaeng BiyaHero celebrity champion is a big responsibility for me dahil meron po akong tungkulin na tulungang palakasin po ‘yung campaign na ito at ipalaganap po ‘yung mahahalagang information po na makakatulong sa mga Babaeng BiyaHeroes natin.

“I’m really grateful po kasi pinili ako ng Safe and Fair Philippines to be their celebrity champion for this campaign and I’m also glad and honored to be part of this worthy and timely campaign for the Pinay migrant workers po natin.

“Siyempre para mas bigyang lakas pa sila para tumayo po laban sa abuso na pinaglalaban po talaga natin. Lalo na para protektahan po ang kanilang mga sarili.

“And Miss Suzi, may I just say that, this is also in line with my personal advocacy na mag-give back po at magbigay ng inspirasyon at suporta po sa ating mga migrant workers all over the world siyempre.

“Doon po sa pinagdadaanan nilang hirap tsaka ‘yung mga pinagdaanan nilang hirap siyempre gusto po nating palakasin ‘yung loob nila in many ways,” lahad ng Dubsmash Queen.

Mas lalo pa raw naging aware si Maine sa mga dinaranas na hirap at sakripisyo ng mga babaeng OFW sa segment ng “Eat Bulaga” na “Bawal Judgmental”.

“Madalas po kasi napi-feature ‘yung mga OFWs tapos ‘pag tinatanong ‘yung naging experience po nila doon sa mga employers nila and ‘yung experience po nila working abroad.

“Parang ang hirap po na tanggapin na ‘yung mga abuse po na kina-kailangan nilang harapin at pagdaanan parang, wala ka nang magawa kasi kinukuwento na lang po nila doon, eh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana pwedeng iwasan, pwede sanang hindi sana mangyari or pwede sanang maireklamo at mabago po,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending