Si Nora hindi naluluma...parang wine, habang tumatagal lalong sumasarap — Joel Lamangan | Bandera

Si Nora hindi naluluma…parang wine, habang tumatagal lalong sumasarap — Joel Lamangan

Reggee Bonoan - November 25, 2020 - 04:14 PM

IPINAGDIINAN ni Direk Joel Lamangan na ang pelikula niyang “Isa Pang Bahaghari” ay hindi BL o Boy’s Love movie.

Ito’y kahit nagkaroon ng ugnayan sa kuwento sina Michael de Mesa at Phillip Salvador noong mga bagets pa sila.

“Ang ‘Isa Pang Bahaghari’ ay tumatalakay sa pamilyang Pilipino. At bawa’t pamilyang Pilipino ay nagkakaroon ng problema o nakaranas na ng hindi pagkakaintindihan ng ama at anak.

“Ang panliligaw ulit sa kanilang asawang babae na nawala at iniwan nila ay nangyayari sa pamilyang Pilipino at makaka-identify ang lahat ng manonood ng pelikula.

“Ito ay hindi BL series, ito ay pagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaibigan ng dalawang lalaki upang tulungan ang kaibigang nanliligaw muli sa kanyang asawa bagama’t may pinagdaanan sila noong sila’y mga bata pa,” paliwanag ni direk Joel.

Si Nora Aunor ang pangunahing bida sa “Isa Pang Bahaghari” at ilang taon ang nakalipas bago siya muling mapapanood sa pelikula dahil abala siya sa mga teleserye sa GMA 7.

Kaya natanong si direk Joel kung ano ang bagong ipakikita ni Ate Guy sa pelikula, “Si Nora ay hindi kailanman naluluma, parati siyang bago, para siyang wine, na habang tumatagal ay lalong sumasarap at habang tumatanda ay lalong humuhusay.

“Yan si Nora tapos sinamahan mo pa ng isang Phillip Salvador na kilalang artista ni Lino Brocka, ito ang muli nilang pagsasama (nagsama sila sa Bona at Nakaw na Pag-Ibig na ipinalabas noong 1980).

“Ang kahusayan ni Ate Guy at ang kahusayan ni Michael de Mesa makikita natin silang tatlo, pero hindi nagpapatalo ang mga kabataang anak nila na sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco at Sanya Lopez. Makikita mo rito ang tinatawag na ensemble acting,” kuwento ng direktor.

Ang “Isa Pang Bahaghari” ay kasama sa 10 kalahok sa 2020 Metro Manila Film Festival handog ng Heaven’s Best Entertainment na mapapanood simula sa Dis. 25 hanggang Enero 8, 2021.

Dahil sa COVID-19 pandemic ay mapapanood ang MMFF 2020 official entries sa online platforms sa pakikipagtulungan ng Globe at GMovies at mapapanood din worldwide.

Maarami ang natuwang mga kababayang Pinoy sa ibang bansa dahil mapapanood nila simultaneously ang 10 pelikula at hindi na sila maghihintay ng ilang buwan para mapanood sa cable o Netflix.

Pero si direk Joel ay may alinlangan dahil mas gusto niyang mapanood ang mga MMFF movies sa sinehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko alam kung nae-excite ako sa online kasi gusto ko may teatro kasi iyon ang kinalakhan ko, hinahanap-hanap ko ang dilim ng teatro, nagsasama-sama ang mga taong hindi nagkikita-kita. Hindi ko alam ang online, ngayon lang ako makararanas nito!” paliwanag ng award-winning director.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending