Lola ni Jake Zyrus nanawagan: Bakit mo ako ginanito anak? Ano bang kasalanan ko sa inyo? | Bandera

Lola ni Jake Zyrus nanawagan: Bakit mo ako ginanito anak? Ano bang kasalanan ko sa inyo?

Ervin Santiago |November 25,2020
facebook
share this

Lola ni Jake Zyrus nanawagan: Bakit mo ako ginanito anak? Ano bang kasalanan ko sa inyo?

Ervin Santiago - November 25, 2020 - 01:09 PM

UMIIYAK na naglabas ng saloobin si Gng. Tess Pineda sa kanyang pamilya pati na sa apo niyang si Jake Zyrus.

Hindi pa rin daw niya matanggap sa kanyang sarili na parang wala nang pakialam ang pamilya niya sa tunay na kalagayan niya ngayon dahil matagal na raw siyang pinabayaan ng mga ito.

Sa pamamagitan ng isang video na ipinost sa Facebook account ng “Mukbangers On The Road” ipinarating ni Lola Tess kanyang panawagan sa mga nais tumulong sa kanya, lalo na kay Jake o mas kilala noon bilang si Charice Pempengco.

Ito ang caption ng video na naka-post sa nasabing FB account, “Good day mga Kamukbangers siya po si Tess Pineda siya po ang Lola ni Charice Pempengco o mas kilala sa tawag ngayon na Jake Zyrus.

“Siya po ay lumapit saamin at nakiusap na baka pwede daw po namin sya kuhanan ng video upang manawagan sa kaniyang pamilya at makahingi ng tulong kay Idol Raffy Tulfo at Maam Jessica Soho.

“Siya po ay 74 years old na at may mga iniindang karamdaman nais nya pong makapag pa check up dahil lagi na po syang nahihilo kailangan nya rin po ng mga gamot.

“Pansamantala po syang kinukupkop ng isang concern citizen sa Sta. Rosa Laguna hinihiling din po niya na mabigyan sya ng isang makina sa pananahi upang kahit papaano ay makatulong sya sa taong kumukupkop sa kanya,” sabi pa sa mensahe kasunod ang mga numerong maaaring tawagan para sa mga gustong tumulong.

“Ako po ay lumalapit sa inyo, humihingi po ng kaunting tulong. Hinatid po ako dito ng apo ko. Ako po si Tess Pineda, kilala po bilang lola ni Charice Pempengco.

“May sakit po ako, ang BP ko po lagi tatlong araw na, 160/100,” ang sabi ni Lola Tess sa unang bahagi ng video.

Patuloy pa niya, “Puwede po ba akong matulungan makapagpa-check-up man lang ako?

“At kung maaari po sana nang makatulong ako sa taong nag-aalaga sa akin, gusto ko pong magkaroon ng makina para makapanahi kahit paunti-unti.

“Kaysa po ako’y lagi na lang nakaupo, nakatanga, nag-aalala sa pamilya, nag-iisip.

“Hindi po ako naalala ng pamilya ko. Lumalapit po ko sa inyo, humihingi ng tulong, makina po at pinansiyal para mapa-check up ko po yung mata ko.

“Nito pong nagdaang taon ako po ay na-istroke sabi ng doktor napatiran daw po ako ng ugat sa ulo, sa batok. Pero pinilit ko pong maka-recover. Wala na po kasi ako mapagbili ng gamot.

“Gusto ko pong maghanapbuhay kahit konti, kumita kahit konti. Wala na po akong makina, binenta na nilang lahat. Hindi naman po ako sinusustentuhan kahit piso,” pahayag pa ng ginang.

Posted by Mukbangers On The Road on Tuesday, November 17, 2020

Ayon pa sa lola ni Jake, hindi pa rin maayos ang relasyon nila ng anak na si Raquel Pempengco (nanay ni Jake) kaya hindi na siya umaasang tutulungan siya nito.

Dagdag pa niyang pahayag, “Hindi po ako nagpapahabag. Masama ang pakiramdam ko po kung minsan ako’y nakatayo at bigla akong napapaluhod.”

Sa bandang dulo ng video napahagulgol na si Lola Tess habang nagbibigay ng mensahe kay Jake.

Aniya, “Charice, bakit mo ako ginanito anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinakakain mo. Pero ang lola mo kahit piso hindi mo naaalala? Kung ako ay naging masamang ina, kung ako ay naging masamang lola, sa akin pa rin kayo nagmula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ano bang kasalanan ko sa inyo para paghigantihan niyo ako ng ganito?” ang himutok pa ng lola ni Jake Zyrus.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng mag-inang Jake at Raquel sa mga sinabi ni Lola Tess. Kaya hintayin muna natin ang kanilang kasagutan para balanse ang lahat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending