Direk Yam Laranas sa namirata ng pelikulang Nightshift: Ang kapal! Magnanakaw! | Bandera

Direk Yam Laranas sa namirata ng pelikulang Nightshift: Ang kapal! Magnanakaw!

Reggee Bonoan - November 24, 2020 - 11:11 AM

GALIT na galit ang direktor ng pelikulang “Nightshift” na si Yam Laranas habang ka-chat namin sa Facebook.

Pinirata raw kasi ito ng isang IT student mula sa isang computer school sa Davao.

Nagtsitsikahan kami ni direk Yam nang bigla niyang i-share ang link ng FB ng estudyanteng nagngangalang Khael, “Reggee, merong pirata,” na may kalakip na poster ng “Nightshift” na pinagbidahan ni Yam Concepcion.

Ipinalabas ito noong Enero 22, 2020 produced ng Viva Films at Alliud Entertainment at si Direk Yam din ang nagsulat ng script.

Sabi pa ng direktor, “Grabe! Ang kapal. Magnanakaw!”

Tinanong namin kung nagpadala na siya ng mensahe sa namirata ng pelikula, “Yes. Wala pang reply at ang dami niyang link,” sagot sa amin.

Ito naman ang mensahe ni Direk Yam sa nasabing estudyante, “You are posting a download link to my film NIGHTSHIFT. You are in serious violation of copyright laws and we will prosecute you for intellectual property theft. It’s so sad. I am from Davao City too. You are a criminal.”

Habang nag-uusap kami tungkol sa katatapos niyang pelikulang “I Love Cristine” na launching movie ng anak ni Jeric Raval na si AJ Raval kasama si Diego Loyzaga ay hindi pa rin nawawala ang galit nito, kawawa raw kasi ang producer at direktor.

“Baka marami pang local movies itong pirata na ito. If this is a real person, hahabulin ko talaga,” sambit pa niya.
At habang sinusulat namin ang balitang ito ngayong umaga ay tinanong namin si direk Yam kung may sagot na ang Viva tungkol sa isyu at kung sumagot na ang estudyante.

“Walang reply. VIVA is taking action via their Chief Technology Officer. Hindi lang ako ang dami pang movies: local and international na pina-pirate niya or linked/promoted to a download site,” sabi sa amin ng direktor.

Hindi pa rin burado ang tinutukoy na FB page ni Direl Yam at sa katunayan, 11 hours ago ay muli siyang nag-post ng mga bagong link ng iba pang pelikula na pwedeng mapanood ng mga FB users.

Samantala, walang entry si direk Yam sa Metro Manila Film Festival 2020, baka raw next year na uli.

Ngayong hapon naman iaanunsyo ng Metro Manila Development Authority ang walong pelikulang makakasama sa MMFF 2020.

Say ni direk Yam, “True. Happy lang ako, at least meron kahit paano merong MMFF.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Going back to “I Love Cristine”, wala pang eksaktong petsa sa 2021 kung kailan ito ipalalabas at umaasa si direk Yam na sana’y bumalik na sa normal ang lahat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending