Bwelta ni Frankie sa DDS na tumira kay Mega: Sana bayad ka sayang naman brain cells mo
INALMAHAN ni Frankie Pangilinan ang komento ng isang netizen tungkol sa mga naging boyfriend noon ng nanay niyang si Sharon Cuneta.
Hindi nagustuhan ng dalaga ang pagbanggit ng isang DDS o diehard Duterte supporter sa pangalan ni Mega at sa naging past lovelife nito para kontrahin ang post niya tungkol kay Vice President Leni Robredo.
Nag-react kasi ang hater ni Frankie sa nauna niyang tweet tungkol sa isang news report kung saan mariing dinenay ni VP Leni ang lumabas na balita na may karelasyon umano siyang dalawang lalaki.
Kamakailan, binanatan ni Pangulong Duterte si VP Leni at nagpasaring sa umano’y “dalawang bahay” na inuuwian nito
“Ikaw, noong gabi, anong oras ka umuwi? Isang bahay ka lang ba, dalawang bahay? Nagtatanong lang ako. Kay congressman ka. Kaninong bahay ka natagalan?” sabi ng Pangulo sa kanyang televised nation address.
Sa Facebook post ng Bise-Presidente sinabi nito na ang unang lalaki na inuugnay sa kanya ay isa sa kanyang “gay friend” at ang ikalawa naman ay katrabaho at kaalyado raw niya kaya malinaw na isa itong fake news.
Sa comment ni Frankie dito, nasabi niyang bakit daw pagdating kay VP Leni ay may double standard ang ilang mga Pinoy. Naniniwala ang anak ni Mega na kung sakaling totoong may karelasyon ang Vice-President ay hindi ito national issue dahil, “she’s a grown woman.”
Dahil dito, binanatan naman ng netizen si Frankie, “How about your mom? is she an example of more and more and more boyfriends and landed to your dad?
“Hypocrites! We better like a person like duterte because that is opposite from his real personality than people like you,” matapang na sabi ng tagapagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Naloka naman si Frankie sa resbak ng nasabing DDS dahil pati nga si Sharon ay idinamay nito sa pagtatanggol sa Pangulo.
Bwelta ni Frankie, “Nawalan ako ng brain cells sa pagbasa nito pero sana bayad ka dyan sayang naman din brain cells mo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.