Rocco Nacino engaged na sa atletang si Melissa Gohing

Karlos Bautista |November 21,2020
share this

Rocco Nacino engaged na sa atletang si Melissa Gohing

Karlos Bautista | November 21,2020 - 08:51 PM

Screengrab mula sa Instagram ni Rocco Nacino

“And she said yes.♥️”

Ito ang excited na pag-aanunsyo ni Rocco Nacino sa kanyang engagement sa atletang girlfriend na si Melissa Gohing.

“I love you Forever @gohingmelissa,” anang 33-anyos na si Rocco sa caption ng picture nila ni Melissa sa Instagram.

“The easiest “Yes” I’ve ever said in my life!” wika naman ni Melissa, 29, na lumikha ng pangalan sa larangan ng sports bilang libero ng De La Salle University Lady Spikers.

“My mom taught me that LOVE is a CHOICE. And that I should choose a husband that I can get through the highest of highs and lowest of lows,” wika pa ng dalaga na ipinanganak sa Bacolod City.

“To my future husband, I will still choose you over and over again even in the darkest of times because you showed me the stars,” wika ni Melisa. “I love you Enrico Raphael Quiogue Nacino forever.”

Screengrab mula sa Instagram ni Melissa Gohing

Ang engagement ay nasaksihan ng dating teammates sa DLSU ng three-time PVL Best Libero na si Melissa.

Pero paano nga bang nagsanga ang landas ng isang atleta at isang artista?

Dating naimbitahang manood si Rocco ng laro ni Melissa. At noong 2017, habang si Melissa ay naglalaro pa sa  Pocari Sweat, nakakatanggap siya ng mga regalo mula sa isang secret admirer.

At iyon pala ay si Rocco.

Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2018, halos dalawang taon matapos ang breakup ng actor kay Lovi Poe.

Screengrab mula sa Instagram ni Rocco Nacino

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending