Pagtingin ni Alyana kay Lito nanunumbalik sa ‘Ang Probinsyano’

Reggee Bonoan |November 21,2020
share this

Pagtingin ni Alyana kay Lito nanunumbalik sa ‘Ang Probinsyano’

Reggee Bonoan | November 21,2020 - 03:36 PM

Screengrab mula sa ABS-CBN.com

Trending ang episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano” nitong Biyernes dahil tumatakbo ang kuwento na nanunumbalik ang pagtingin ni Yassi Pressman as Alyana kay Richard Gutierrez bilang si Lito na childhood sweetheart niya na nagsisimulang magduda na si Cardo Dalisay (Coco Martin) bilang asawa.

Napapanood na rin kasi sa A2Z channel sa TV Plus at iba pang digital TV boxes ang nasabing programa na rati ay sa YouTube channel na lang available. Hindi naman kasi lahat ng tagasubaybay ng “Ang Probinsyano” ay may pang-internet. Mas gusto pa rin nilang mapanood ito sa free TV.

Going back to Yassi, trulili kaya na kaya unti-unting binabago na ang kuwento ng “Ang Probinsyano” ay dahil may plano pala talagang ipasok si Julia Montes sa aksyon serye ni Coco?

Nasulat namin dito kahapon sa Bandera na may nagtanong sa amin kung ige-guest si Julia sa programa at sinagot naming imposible kasi nga may Alyana si Cardo pero mukhang mangyayari pala ito soon.

Base sa umereng episode nitong Biyernes ay nag-dinner date sina Yassi at Richard at binigyan siya ng kuwintas na ang bilin ay lagi nitong isusuot bilang tanda ng pagmamahal ng aktor dahil ni minsan ay hindi nawala sa puso niya ang dating katipan.

Halatang na-excite si Alyana pero pumasok pa rin sa isipan niya si Cardo bilang asawa niya at nagyaya na siyang umuwi dahil naghihintay na ito sa kanya.

Ang kaso pagdating naman ni Alyana sa bahay nila at kahit katabi na nito ang asawa ay si Lito ang nasa isip at kinikilig kapag naiisip ang kanilang dinner date.

Kinabukasan ay papasok na ulit si Alyana at suot na naman ang damit na sexy bagay na pinag-aawayan na nila ni Cardo at dito na nalito ang puso niya dahil pumapasok sa isipan niya si Lito.

Sabi nga niya, “Ano ba ang nangyayari sa akin? Mahal ko pa rin si Cardo pero parang bumabalik ‘yung nararamdaman ko para kay Lito. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.”

Base sa mga nabasa naming komento mula sa viewers ay hayaan na raw ni Cardo si Alyana at ipasok na si Julia sa kuwento para mas exciting na tiyak na mas lalo itong aabangan.

Lalo’t may tsikang binigyan ni Coco si Julia ang engagement ring na napansin ng netizens na suot-sunot ng aktres habang naghahanda ng lulutuin na nasa IG account niya.

May nag-grab sa larawang ito ni Julia at tinanong kung engaged na sila ni Coco.

Abangan ang mga susunod na episodes ng “FPJ’S Ang Probinsyano” mula Lunes hanggang Biyernes, 8PM sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending