Claudine kinasuhan uli si Raymart; P100k sustento kada buwan waley

Ervin Santiago |November 20,2020
share this

Claudine kinasuhan uli si Raymart; P100k sustento kada buwan waley

Ervin Santiago | November 20,2020 - 11:16 AM

ANO nga kaya ang reaksyon ni Jodi Sta. Maria sa chikang posible siyang madamay sa bagong kasong isinampa ni Claudine Barretto kay Raymart Santiago?

Kalat na ang balita na muling sinampahan ng kaso ni Claudine ang kanyang estranged husband na si Raymart sa Prosecutor’s Office ng Marikina City.

Ito’y may kaugnayan sa paglabag umano ng aktor sa Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262 at economic abuse.

Sa isang interview, sinabi ng legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi umano tinutupad ni Raymart ang agreement nila noon ni Claudine na magbibigay ng P100,000 sustento every month  para sa dalawa nilang anak.

Sinabi pa ni Topacio na nagdesisyon na si Claudine na dumulog sa korte dahil matagal na ring hindi nakapagbibigay ng financial support ang aktor sa mga anak.

“Nagbibigay siguro, P14,000 a month, ganu’n. Tapos, wala na,” ang pahayag pa ni Atty. Topacio sa nasabing panayam.

Sa darating na Dec. 10 nakatakdang dinggin ang isinampang kaso ni Claudine sa Marikina Prosecutor’s Office. Dito inaasahang mag-submit si Raymart ng counter-affidavit kaya posibleng muling magkrus ang landas ng nagkahiwalay na mag-asawa.

Umaasa naman daw ang legal counsel ni Claudine na maaayos din ang isyung ito kung susundin lang ni Raymart ang lahat ng napagkasunduan na para rin naman sa kanyang mga anak.

Pero ang isa pang pinag-uusapan ng mga netizens ay kung paano makaaapekto ang bagong issue na ito sa relasyon nina Raymart at Jodi.

Balitang tumawag daw si Jodi noon kay Claudine para ipaalam ang tungkol sa kanila ni Raymart. Wala naman daw problema yun kay Claudine pero mukhang mag-iiba nga ang ihip ng hangin ngayong may reklamo na naman ang aktres sa dating asawa.

Sinabi kasi ni Atty. Topacio, pinag-aaralan daw nila ang lahat ng mga anggulo ng sitwasyon ngayon kabilang na nga ang pakikipagrelasyon ni Jodi kay Raymart.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa annulled ang kasal ng nagkahiwalay na mag-asawa kaya technically ay hindi pa matatawag na single si Raymart.
Pero until now naman ay wala pang lantarang pag-amin sina Jodi at Raymart tungkol sa kanilang relasyon. May mga pahaging ang aktor about it pero wala pa talagang diretsahang confirmation.

Sa huling panayam naman ng press kay Jodi, tumanggi nga itong pag-usapan ang tungkol sa kanyang lovelife.

Bukas ang BANDERA para sa pahayag ni Raymart pati na rin ni Jodi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending