Sexy actress engaged na; nagkadyowa sa gitna ng pandemya? | Bandera

Sexy actress engaged na; nagkadyowa sa gitna ng pandemya?

Reggee Bonoan |November 19,2020
facebook
share this

Sexy actress engaged na; nagkadyowa sa gitna ng pandemya?

Reggee Bonoan - November 19, 2020 - 04:52 PM

ENGAGED na pala ang sexy character actress pero hindi namin alam kung bakit ayaw pa niya itong isapubliko gayung lahat naman ng nangyayari sa buhay niya ay kanyang ikinukuwento.

Sa huling panayam namin sa sexy character actress (bago mag-pandemic) ay wala raw siyang boyfriend dahil katwiran niya, gusto muna niyang mag-concentrate sa kanyang career.

Kasi nga need niyang magtrabaho nang magtrabaho dahil malaki ang nagastos niya sa pamilya niya sa ibang bansa.

Bukod dito ay nangungulila ang sexy character actress dahil mag-isa lang siya rito sa Pilipinas kaya tanggap siya nang tanggap ng trabaho para hindi siya masyadong malungkot.

Nagulat na lang kami nang aksidente niyang mabanggit na ikakasal na siya sa staff ng isang production na super ka-close niya dahil marami na silang naging projects (saksi kami na marami na talaga) at super saya niya dahil finally nag-propose na ang boyfriend niya.

Hindi pa namin nakakausap ang sexy character actress kaya hindi pa namin siya mapangalanan para alamin ang kumpletong detalye at kung kailan siya nagkaroon ng boyfriend o may dati na siyang karelasyon na binalikan lang niya.

Kasi kung during the pandemic time lang niya naging boyfriend ito at nag-propose na kaagad, parang ang bilis naman at pumayag na siya agad sa alok ng kasal?

Base sa tingin namin sa sexy character actress at sa mga pahayag niya noon ay nagbitaw siya ng salita na hindi siya basta magpapakasal sa lalaking hindi niya masyadong kilala.

Sa ngayon ay walang post si sexy character actress sa kanyang Instagram account kundi solo pictures niya na nag-aayos ng kanyang pad niya.

Clue: sobrang organized at super linis sa bahay ang bida sa blind item na ito as in, at higit sa lahat, magaling siyang magluto.

                          * * *

Sa bagong iWantTFC ay unang mapapanood ng users sa loob at labas ng bansa ang bagong episodes ng mga Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Walang Hanggang Paalam,” at “Bagong Umaga,” 48 oras bago sila umere sa kahit anong platform o channel.

Puwede rin nilang ma-enjoy ang tuloy-tuloy na panonood nang walang ads.

Maging ang bagong teleserye ni Erich Gonzales na “La Vida Lena” na pinagbibidahan ay sa 1Want TFC rin na nagsimula na noong Nob. 14.

Exciting din ang taong ito dahil maglalabas pa ang iWantTFC ng mga bago at paparating na Originals gaya ng “Bawal Lumabas” nina Kim Chiu, Kyle Echarri at Franchine Diaz, “Hoy Love You” na itatampok ang pagbabalik-tambalan nina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa, “I Can Wait Forever” nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, “He’s Into Her” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at “Ampalaya Chronicles: Me & Mrs. Cruz,” ang pinakabagong episode sa anthology series kasama sina Beauty Gonzalez and Kiko Estrada.

Bukod naman sa “My Lockdown Romance” at weekly episodes ng “The House Arrest of Us,” malapit na ring mapanood sa iWantTFC ang upcoming Star Cinema movies mula CineXpress na “Boyette” at “Four Sisters Before the Wedding” ngayong taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para ma-enjoy ang mga ito, kailangan lang mag-download ng iWantTFC app sa Google Play o Apple App Store o pumunta sa iwanttfc.com at gumawa ng bagong account. Pwede ring ma-enjoy ng bagong users ang 30-day free trial sa app.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending