Ivana, Daniel personal na namigay ng ayuda sa mga nasalanta ni Ulysses | Bandera

Ivana, Daniel personal na namigay ng ayuda sa mga nasalanta ni Ulysses

Ervin Santiago |November 18,2020
facebook
share this

Ivana, Daniel personal na namigay ng ayuda sa mga nasalanta ni Ulysses

Ervin Santiago - November 18, 2020 - 10:07 AM

PERSONAL na namigay ng relief goods at iba pang donasyon ang sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi sa Cagayan province para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Kahapon binisita ng dalaga ang mga residente sa isang lugar sa Tuguegarao City at namahagi ng food supplies at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga pamiliyang biktima ng bagyo lalo na sa mga nawalan ng bahay at kabuhayan doon.

Una munang nagtungo ang social media influencer provincial capitol para doon dalhin ang kanyang mga donasyon. Nag-courtesy call din siya kay Cagayan Gov. Manuel Mamba na personal ngang nagpasalamat sa ipinaabot niyang tulong.

Sa ilang litrato na ipinost ni Meng Caranguian Batang sa kanyang Facebook page, makikita si Ivana na nakikipag-usap sa ilang tagaroon.

Aniya sa caption, “IVANA ALAWI distributing relief goods at LINAO NORTE TUGUEGARAO CITY CAGAYAN  PROUD SISTER HERE.”

Samantala, personal ding namigay ng relief packs si Daniel Padilla sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Kaya naman bukod sa dalang ayuda, kahit paano’y naibsan ang takot at kalungkutan ng mga typhoon victims nang makita nila si DJ. Abot-langit din ang pasasalamat nila sa aktor pati na kay Kathryn Bernardo at sa KathNiel fans na tumulong din para makalikom ng donasyon.

Sa ilang litratong kumalat sa social media, makikita rin si Daniel na tumutulong sa pagre-repack ng relief goods kasama ang mga kapatid nito at iba pa nilang kapamilya.

Nagpasalamat naman ang nanay ni DJ na si Karla Estrada sa lahat ng tumulong sa kanila para makapagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo kasama na nga ang fans nina Daniel at Kathryn.

“First batch is off to our kapamilya na sabik na kaming marating! Salamat sa buong pamilya ko na naki impake at sa mga tagahanga na pamilya narin namin! Solid to! LETS GOO!!! Tulong tulong para sa pagsulong!” ang caption ni Karla sa mga litratong ipinost niya sa Instagram kung saan makikita ang ginawa nilang preparasyon bago ang isinagawa nilang relief mission.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending