Banat ni Derek sa 'tapos na ang tikiman' comment ng basher: Bastos!!! | Bandera

Banat ni Derek sa ‘tapos na ang tikiman’ comment ng basher: Bastos!!!

Ervin Santiago |November 18,2020
facebook
share this

Banat ni Derek sa ‘tapos na ang tikiman’ comment ng basher: Bastos!!!

Ervin Santiago - November 18, 2020 - 09:15 AM

MUKHANG may bahid nga ng katotohanan ang hiwalayang Derek Ramsay at Andrea Torres base na rin sa mga naging hugot ng hunk actor nang bweltahan ang mga basher.

Pinatulan ng Kapuso actor ang ilang netizens na nagkomento tungkol sa chikang lumabas dito sa BANDERA na break na sila ni Andrea matapos magkaroon ng matinding away.

Nagsimulang kumalat ang balita about their rumored break-up nang mapansin ng mga fans and followers ni Andrea na burado na sa kanyang Instagram account ang mga litrato nila ni Derek.

Hindi na rin pina-follow ng Kapuso actress sa IG si Derek. Sa Instagram page naman ng aktor may ilang photos pa rin doon.

Kahapon, nag-post si Derek sa Instagram ng ad campaign photo para sa isa niyang endorsement. Sa comments section, sunud-sunod ang tanong ng kanyang followers kung totoong break na sila ni Andrea.

Hindi nag-reply sa kanila ang binata pero ilang netizens ang pinatulan niya matapos mag-comment ng kung anu-anong kahalayan at kabastusan.

Tulad na lang ng sinabi ng isang IG user tungkol sa posibleng rason ng paghihiwalay ng dalawang Kapuso star, “Tapos napo tikiman (face with tears of joy emoji).”

Ang maikli ngunit tumatagos na sagot ni Derek sa kanya ay, “Bastos.”

Hindi rin pinalampas ng binata ang comment ng isang lalaki na nagsabing wala talaga itong balak magpakasal kaya palaging minamalas sa kanyang lovelife.

Sey ng netizen, “I think he’s not into marriage.” Na sinagot naman ni Derek ng, “I think you are wrong.”

May nagsabi namang lahat na lang daw ng nagiging leading lady niya ay pinapatos ni Derek at nagpapabiktima naman daw ang mga babaeng sa kamandag ng binata.

“There is no truth to what you are saying. Andrea is the only leading lady that became my GF,” sagot ni Derek.

Isa pang netizen ang nag-post sa IG page ng aktor na nauwi raw pala talaga sa “real-life sex” ang intimate scenes nina Andrea at Derek sa huling teleserye nila sa GMA 7, ang “The Better Woman.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Andrea tungkol sa issue pero sa mga naging sagot ni Derek sa kanyang bashers sa social media ay mukhang totoo nga ang chika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending