Robi sa sunud-sunod na kalamidad sa Pinas: Mangyayari lang ulit yan pag hindi tayo nagbago | Bandera

Robi sa sunud-sunod na kalamidad sa Pinas: Mangyayari lang ulit yan pag hindi tayo nagbago

Ervin Santiago - November 15, 2020 - 12:04 PM

NANINIWALA si Robi Domingo na paulit-ulit lang na mangyayari ang mapaminsalang bagyo sa bansa kapag walang magaganap na pagbabago.

Ayon sa Kapamilya TV host-actor, ang kailangan ng Pilipinas ay mga long-term solution para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa panahon ng mga kalamidad.

Nagsunud-sunod ang pagdating ng bagyo sa bansa nitong mga nakaraang linggo na nag-iwan ng matinding pinsala sa libu-libong residente sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit probinsya. Ang huli nga ay ang napakabagsik na si Ulysses.

“What I want to point out is two things, number one is what we’re experiencing right now is really the effects of climate change.

“So in the long run, marami pang mangyayaring ganito if we don’t stop our ways, if we don’t change our lifestyle, if we don’t have environmental policies.

“So kailangan magbago na yun. Yung nangyari dati sa Ondoy parang part two ito, eh. Mangyayari lang ulit yan kapag hindi tayo nagbago.

“So we have to do something about our environment right now ans another thing is you better register to vote. Lalung-lalo na sa mga kabataan. You have to do that. You have voting power. You have your choice,” paliwanag ni Robi sa panayam ng ABS-CBN.

Sa kabila ng mga kanegahang nangyayari sa bansa, positibo pa rin ang binata na may pag-asa pa ang Pilipinas — kailangan lang na mas maging matalino at mapanuri sa pagpili ng mga susunod na leader ng bansa.

“There’s always this next chapter na kailangan abangan kasi naniniwala ako na everyone is destined to have a happily ever after and we’re not exempted from that.

“Magbabago ang buhay and ang pinakamagandang nakita ko dito is there is that surge. I’m a believer of the power of the youth.

“Kahit na hindi dito sa Pilipinas, in the US if you look at the statistics kung sino yung pinakamaraming bumoto, I think it’s the youth.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So right now the wheels are turning, the gears are turning and I bet it will turn for the betterment of our society,” lahad pa ni Robi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending