Karla tinalbugan ang MMDA sa pagmo-monitor sa KathNiel habang nananalasa si Ulysses | Bandera

Karla tinalbugan ang MMDA sa pagmo-monitor sa KathNiel habang nananalasa si Ulysses

Ervin Santiago - November 15, 2020 - 09:24 AM

TALBOG ang MMDA sa ginawang pagmo-monitor ni Karla Estrada habang pauwi sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Manila noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Talagang inatake ng tensyon ang TV host-actress habang bumibiyahe ang KathNiel mula sa Batangas patungong Maynila dahil ito nga yung oras ng paghahasik ng bagsik ng mapaminsalang si Ulysses.

Kuwento ni Karla, nu’ng araw na yun ang last shooting day nina Kathryn at Daniel sa Batangas para sa digital movie series nilang “The House Arrest of Us.”

“Ang KathNiel kasi ay nasa Batangas pa para sa last episode ng The House Arrest of Us. So mga 12 midnight natapos sila. Pero 11 pa lang ang lakas na ng hangin.

“So, sinabi ko mag-stay na lang sila roon. Kaya lang hindi pupuwede kasi lahat uuwi,” pahayag ni Karla sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay”.

Talagang alalang-alala raw siya para sa KathNiel dahil ramdam na ramdam na nga ang hagupit ng bagyo nu’ng mga oras na yun.

“So, itong KathNiel on their way home, ala-una, alas-dos, kasagsagan ng lakas ng bagyo eh talagang daig ko pa ang MMDA na monitoring talaga.

“Ang hirap kasi kahit sabihin natin na bakit ‘di mo pinag-stay and all ‘eh kasi may bagyo rin doon.’ So parang hindi ko na alam. Kinailangan nilang bumalik,” lahad pa ng TV host.

“Awa ng Diyos nakarating talaga sa bahay ng maayos. Nakauwi sila ng 3:30 a.m. kasagsagan ng hangin,” kuwento pa ng nanay ni DJ.

Patuloy pa niya, “Ang dami kong inaalala. Kumusta kaya ang mga taong binabaha ngayon. Hindi ba parang ang hirap, mahirap itulog ang isang bagay.

“In fact, ito nga malapit na ang kaarawan ko, dapat magse-celebrate ako, but I decided na mayroon pa namang susunod na taon, ibibigay ko na lang muna ito sa mga mas nangangailangan,” chika pa ni Karla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matindi ang naging epekto ng Typhoon Ulysses sa bansa lalo na sa Quezon Province, National Capital Region, CALABARZON at Cagayan province kung saan libu-libong pamilya ang naapektuhan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending