Carla nag-alay ng dasal para sa mga hayop na nabiktima rin ni Ulysses; may pakiusap sa mga pet owner
KILALANG animal welfare advocate ang Kapuso star na si Carla Abellana kaya naman ikinalungkot niya ang sinapit ng ilang mga hayop matapos maghasik ng bagsil ang Typhoon Ulysses sa bansa
Gamit ang social media, nag-offer pa ng panalangin ang aktres para sa mga hayop na hindi rin pinatawad ng katatapos lang na bagyo na nag-iwan ng matinding sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at mga probinsya sa Luzon.
“Lord, please bless all the animals affected by Ulysses too. They are helpless.
“I cannot imagine the amount of fear and suffering, especially for those who were left locked indoors, left trapped in their cages or left behind tied up with a chain or leash. How will they survive the cold rain and the flooding?” dasal ni Carla.
Dagdag pa ng Kapuso actress kung puwede lang daw sana ay siya na mismo ang tutulong sa mga hayop na naapektuhan ng malakas na ulan at hangin na dala ni Ulysses.
“I desperately want to be out there to help. Just like during the Taal eruption early this year.
“But I can’t this time and I’m having the same kind of anxiety again for the animals. Please send persons to help, them, Lord,” dagdag pa niyang mensahe.
Kasalukuyang nasa lock-in taping si Carla kasama ang iba pang co-stars niya para sa GMA primetime series na “Love of my Life.”
Bukod dito, nag-post din siya ng litrato ng isang aso na nababalot ng putik habang pinuputol ng ilang rescuers ang kadena nito.
Aniya sa caption, “IF YOU CAN’T EVACUATE WITH THEM, PLEASE UNCHAIN THEM. Please unchain your dogs and unlock their cages if you cannot evacuate with them during times of emergencies or disaster. Please. Would you rather they run for safety or be left with no choice but to die?
Dagdag pa ni Carla, “The PAWS Disaster Response Team is currently in Provident Village Marikina – a heavily flooded area at the height of the storm- to extend relief to pet owners and their pets affected by Typhoon Ulysses.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.